MARAMING beses nang nireplay ni Lucille sa isip ang naging pag-uusap nila ni Benj kaninang umaga. Sa sobrang dami, pakiramdam niya ay close na close na sila ng lalaki. As a matter of fact, she could now call out his name very easily.
"Lucille, okay ka lang?" tanong ng kaklase at kaibigan niyang si Rosemarie pagkatapos ng huli nilang subject.
"Ha? Ah, oo."
"Sigurado ka? Kanina ka pa parang absentminded."
"Oo nga," singit ng isa pa niyang kaibigan at kaklase na si Mia. "Hindi ka nakipagdebate kay Sir Matias ngayon," tukoy nito sa matandang professor nila na madalas niyang kasalungat sa mga interpretasyon ng mga literary pieces.
"Wala lang ako sa mood," matamlay na sagot ni Lucille. "Anyway, gusto niyo bang kumain bago umuwi?"
"Ngayon na?" tanong ni Rosemarie.
"Oo sana."
"I can't. Madami akong trabaho," sagot ni Mia. Tumatanggap ito ng mga editing jobs at araw-araw ay may target output ito.
Puno ng pag-asang tumingin si Lucille kay Rosemarie.
"Gusto ko sana. Kaya lang ay lalabas kami ng family ko ngayon. Sorry, Lucille. Next time na lang."
"It's okay," sabi niya kasabay ng isang pilit na ngiti.
"Bakit hindi si Henry ang yayain mong lumabas?" tanong ni Mia habang palabas sila ng classroom.
Lalo lang tuloy naalala ni Lucille ang dahilan kung bakit siya nasa depressing mood ngayon. "Busy siya."
"Kahit na sabado?" tanong ni Rosemarie.
Tumango siya. "Kahit nga linggo eh."
Mia made a face. "Ganyan talaga, friend. Bakit kasi pumili ka ng boyfriend na executive sa isang kompanya?"
Pinilit ni Lucille na ngumiti. "Binu-bully niyo nanaman si Henry."
"Kasi naman, Lucille, masyadong paasa yang Henry mo. Palagi na lang siyang nagka-cancel tuwing naka-schedule na ipapakilala mo siya sa amin," reklamo ni Rosemarie.
"Oo nga. Baka ayaw lang talaga niya kaming makilala."
"Hindi naman sa ganon. Busy lang talaga siya."
"'Wag mo na siyang ipagtanggol, Lucille. Kahit pa ano ang sabihin mo, hindi na talaga mababago ang opinyon ko sa kanya," puno ng kumbiksiyon wika ni Mia.
"Ako din. Sa totoo lang willing pa akong bigyan siya ng chance noon. But now?" Umiling-iling si Rosemarie.
Napabuntong-hininga na lang si Lucille. Nawalan na siya ng lakas na ipagtanggol si Henry. Actually, kahit siya mismo ay gusto nang kwestyunin ang sinseridad nito. Walang dudang nagkaroon ng malaking butas ang kanyang tiwala para dito. Lalo pa nang maalala niya ang mga sinabi ni Benj. Suddenly, she understood exactly why some girls became bitter toward their ex-boyfriends. Teka, anong ex-boyfriend? Hindi pa naman niya ex-boyfriend si Henry ah.
Hindi pa nga. Pero sigurado siyang malapit nang mangyari 'yon. The fact that she was already thinking this way was proof enough. Bilang na ang mga oras na mayroon siyang matatawag na boyfriend. And that thought alone was enough to make her want to drink some much needed alcohol.
ALAS OTSO ng gabi nang tumunog ang cell phone ni Benj. Gusto sana niyang balewalain na lang iyon. Pero hindi niya maiwasang isipin na baka importante ang mensahe. After all, his work never stops. Kaya sinilip pa rin niya ang cell phone. Isang hindi kilalang numero ang nagpadala ng text.
Why did you have to tell me that?
Napakunot siya. Binasa niyang muli ang mensahe at numero. Hindi talaga 'yon pamilyar sa kanya at mas lalong wala siyang ideya kung bakit may magpapadala sa kanya ng ganoong mensahe. Ibababa na sana niya ang cell phone nang muling tumunog iyon.
BINABASA MO ANG
Texting Under the Influence (COMPLETE)
Roman d'amourThis is the story of Benj and Lucille. Yes, si Lucille ay kapatid ni Justin na bida sa "Escape with Me." (https://www.wattpad.com/217602952-escape-with-me-published-under-phr-chapter-1) Hindi pa ito published. This is a raw version and I want you to...