Another Drunk Text?

3.3K 149 8
                                    

KANINA pa naiinis si Lucille sa sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit umaakto siya ng ganito dahil lang sa isang lalaki. Nakailang type at bura na kasi siya ng message. Sa huli ay pikit-matang isinend na lang niya ang pangsampu yatang mensahe na tinype niya.

Should we color coordinate? 'Yan ang mensahe niya. It wasn't original. Pero wala na talaga siyang maisip.

Sampung minuto na ang lumipas pero hindi pa rin nagrereply si Benj. Nagsimula na siyang kwestyunin ang sarili—Shit! Muntik na siyang mahulog sa bar stool nang tumunog ang cell phone niya. She didn't know how nervous she was until that moment. Excited na chineck niya ang text message mula kay Benj.

Are you drunk?

Dapat ay ma-offend siya doon. Pero natawa lang siya.

Lucille: Paano kung oo ang sagot diyan?

Benj the Liar: Seryoso ka ba?

Lucille: What do you think?

Benj the Liar: I don't want to think. Ang gusto ko ay sagutin mo ang tanong ko.

Napapailing na ngumiti nanaman si Lucille. Pero agad din siyang napakunot nang mapansin ang pangalan ni Benj sa phonebook niya. Benj the Liar pa rin ang nakarecord doon. Mabilis na pinalitan niya ang pangalan nito bago siya nagreply.

Lucille: Ano nga uli 'yung tanong mo?

Benj: Are you testing my patience?

Lucille: 'Yan na 'yung tanong mo?

Wala pa yatang isang minuto ay tumatawag na sa kanya si Benj. "Yes?" she asked demurely. Mukhang nawala na talaga siya sa sarili. Because Lucille had never been demure in her entire life.

"Are you drunk?" Naiimagine niyang nakakunot ang noo nito habang tinatanong 'yon.

"Hmm."

"Nasaan ka?"

Hindi niya napigilan ang sarili. She giggled. Lahat kasi ng lumalabas sa bibig nilang dalawa ay mga salitang nasabi na nila noon sa isa't isa. She felt nostalgic. Pero agad din siyang nahimasmasan. "You deliberately ignored me," nag-aakusang wika niya.

"What?"

"Hindi mo na ako tinext uli. Hindi ka na din tumawag uli. Parang biglang kinalimutan mo na lang ako." May sinabi si Benj pero hindi niya 'yon naintindihan. "Hindi ko alam kung bakit umaasa ako na itetext o tatawagan mo ako. But I am expecting, Benj. At naiinis ako sa'yo dahil doon."

"Dahil nag-e-expect ka?"

"Sort of. Naiinis ako dahil naiintindihan ko kung bakit hindi ka nagtetext o tumatawag. Pero umasa pa rin ako." Pagkatapos ay humugot si Lucille ng malalim na hininga. Pakiramdam niya ay gumaan ang dibdib niya dahil sa wakas ay naisatinig din niya ang gumugulo sa kanya.

"Nasaan ka, Lucille?" biglang naging malambing ang boses nito.

She was a goner. Sinabi agad niya kung nasaan siya.

"Wait there." Then the call was cut.

Kunot-noong inilayo ni Lucille sa tenga ang cell phone at tinignan iyon. Nasa ganoong ayos pa rin siya nang muling tumunog ang kanyang cell phone. Tumatawag nanaman si Benj.

"Put down the glass, hon."

Napatingin si Lucille sa hawak niyang baso.

"Nakailang baso ka na?" tanong ni Benj mula sa kabilang linya.

"Ha?"

"Ano 'yang iniinom mo?"

Wala sa sariling inilibot niya ang paningin sa paligid hanggang sa mapako ang mata niya sa isang pamilyar na mukha.

"Juice lang ito," pabulong na sagot niya.

"Are you sure?"

Tumango siya at pinanood ang mabagal na paglalakad ni Benj palapit sa kanya. Nang nasa mismong tapat na niya ito ay napabuntong-hininga siya. She really missed him.

"You're here," pinakatitigan niya ang mukha nito. "I wasn't sure. Sinabi kasi ni Kuya Chase, I mean, hindi niya sinabi sa akin. Pero narinig kong sinabi niya—"

"Lucille."

"Yes?" Napabuntong-hininga siya. Parang may dreamy quality sa itsura ni Benj ngayon at gusto niyang titigan na lang ito buong gabi.

"You're speaking your Lucille language again."

Napangiti si Lucille. Ang sarap pakinggan ng pagbanggit ni Benj sa pangalan niya. "Sorry, ang ibig kong sabihin ay narinig ko na sinabi ni Kuya Chase na dito kayo pupunta ngayon. So..."

"So?" Yumuko ito para lalong magkalapit ang mga mukha nila.

"I forgot," napakunot si Lucille. Pinilit niyang balikan sa isip kung ano ba 'yung sinasabi niya kanina. Pero parang bulang naglaho na ang lahat. "Nakalimutan ko 'yung sasabihin ko."

Ngumiti si Benj at pati yata ang pangalan niya ay muntik na niyang makalimutan. Mabuti na lang at nag-iwas na ito ng tingin. Kahit paano ay naging normal na muli ang takbo ng utak niya.

"Do you really want to stay here and talk about your brothers?"

Narinig niya ang pagbabago sa tono nito. Inilibot nito ang paningin sa paligid na para bang may inaabangan. "Oh." Nanlaki ang mga mata niya nang marealize ang ibig nitong sabihin.

Yumuko nanaman si Benj at nginitian siya. "Yes, your brothers are around here somewhere."

Lalo pang nanlaki ang mga mata niya.

"Bayad na ba 'yan?" Itinuro nito ang basong hawak niya kanina. Hindi niya maalala na ipinatong niya 'yon sa bar counter.

"Oo."

"Good." Pagkatapos ay hinila na siya ni Benj.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon