HINDI ako lasing, hindi! 'Yan ang paulit-ulit na nirerecite ni Lucille sa isip. At naniniwala talaga siya doon. Sa katunayan ay nagawa pa nga niyang i-text kay Benj ang address ng bar kung saan siya tumatambay ngayon. Pero pagkatapos niya itong i-text ay hindi na ito nagreply uli. Wala na tuloy siyang makausap.
"Hi there," bati ng babaeng bigla na lang lumitaw sa harap niya.
"Oh, hi! Saan ka nanggaling?"
"Ako ba?"
Itinuro niya ito. "Oo, ikaw! Ginugulat mo naman ako eh. Bigla ka na lang lumitaw sa harap ko."
Tumawa ang babae. "'Yung kasama kong bartender ang nagse-serve sa'yo kanina kaya ngayon mo lang ako nakita."
"Ah." Ngumiti si Lucille bago kinuha ang kanyang baso para uminom. Pero wala na pala iyong laman.
"Do you want a refill?"
Lalong lumapad ang ngiti ni Lucille. "Yes, please!" sagot niya saka iniabot dito ang kanyang baso. Ilang sandali pa ay narefill na nito ang kanyang baso. "Thank you!"
"Welcome. Ako nga pala si Melanie. Just call me if you need anything else."
Magsasalita pa sana siya pero may tumawag na kay Melanie na ibang customer. Napasimangot siya. Wala nanaman siyang makausap. Kaya itinuon na lang niya ang atensiyon sa kanyang baso. Bakit parang wala nang lasa itong iniinom niya? Hindi kaya tubig lang ang inilagay dito ni Melanie?
"Melanie! Melanie, halika rito," malakas na tawag niya sa babae habang kumakaway.
"Yes? Can I get you anything else?"
Bago pa siya makasagot ay may bumunggo sa kaliwang balikat niya. Isang babaeng may hawak na kulay pink na inumin ang nakita niya.
"I'm sorry," wika ng babae bago umalis.
"I want that," sabi niya kasabay ng pagturo sa umalis na babae. "Gusto ko din ng pink na inumin tulad nung sa kanya, Melanie."
"That's a grapefruit martini."
"Yes, that. Gusto ko ng ganon."
"Ahm, sigurado ka bang pwede ka nang uminom ng alcohol?" Pagkatapos ay itinuro siya ni Melanie.
Itinuro din ni Lucille ang sarili. "Ako? Bakit ako?"
Itinuro uli siya ni Melanie na sinagot lang niya ng ngiti.
"You're wearing a university shirt."
Napayuko siya sa suot na damit.
"Kailangan kong makasiguro na hindi ka na minor. Give me your ID."
"Ah, 'yun lang pala eh." Kinapa ni Lucille ang bulsa pero wala doon ang kanyang ID. Ang sumunod niyang hinanap ay ang kanyang wallet. Pero hindi niya iyon makita. Kaya naman isa-isa niyang inilabas ang laman ng kanyang bag. Hindi pa rin niya makita ang wallet niya.
"I think this is enough," biglang wika ni Melanie.
Napatingin siya dito. "Ha?"
"Nakita ko na ang ID mo." Itinaas nito ang hawak na school ID niya na nakasabit pa sa ID lace.
"Ah, school ID pala. Hindi mo naman sinabi agad eh. Hinanap ko pa tuloy ang wallet ko. Ay teka, wala pala akong wallet." Pagkatapos ay bigla siyang natawa sa sarili. "Hindi kasi ako mahilig sa wallet. Iniwan ko pala sa bahay."
Mukhang hindi nagustuhan ni Melanie ang sinabi niya. "May dala ka bang pera?"
"Oo naman! Heto oh," kinuha niya ang kanyang coin purse at ipinakita dito.
"Ahm, actually, 'yung mga inumin dito ay medyo pricey. Hindi ko sure kung ano... ahm..."
Natawa si Lucille sa itsura ni Melanie na parang hindi makaisip ng sasabihin. Kaya binuksan niya ang coin purse at inilabas doon ang isang card. "Meron din akong credit card oh."
Nginitian siya nito at saka siya tinulungang ibalik sa kanyang bag ang mga gamit na inilabas niya. "Ihahanda ko na ang grapefruit martini mo. Maghintay ka lang diyan, okay?"
"Okay!"
~~~
Thanks for reading. Don't forget to vote!
- Kensi
BINABASA MO ANG
Texting Under the Influence (COMPLETE)
RomantikThis is the story of Benj and Lucille. Yes, si Lucille ay kapatid ni Justin na bida sa "Escape with Me." (https://www.wattpad.com/217602952-escape-with-me-published-under-phr-chapter-1) Hindi pa ito published. This is a raw version and I want you to...