NANG sumunod na araw ay determinadong pumasok si Lucille sa opisina ng Blush. She walked inside with renewed confidence. Oo nga at ilang buwan pa lang silang magkakilala ni Benj. But she was sure, deep in her heart, she knew the real him. Hindi gagawin ni Benj sa kanya ang ginawa ni Henry. At habang tumatagal na pinag-iisipan niya ang sitwasyon ay mas tumitindi ang paniniwala niyang may iba pa itong dahilan.
"Good morning," bati niya sa assistant ni Benj na si Bhelle. Ngumiti siya nang makita ang nag-aalangang ngiti nito. "Nandiyan na ba si Benj?"
"Ahm, Lucille, ano—"
"May ibibigay lang ako sa kanya." Ipinakita niya ang hawak na folder.
"Ako na lang ang magbibigay."
Umiling siya. "This is important, Bhelle." Ngumiti pa siya bago nagpatuloy. "It's my resignation letter. Sa tingin ko ay mas mabuti kung personal kong ibibigay ito sa kanya."
Sa sinabi niya ay mabilis na tumango si Bhelle. "Oh, yes, I understand."
"Thanks, Bhelle."
"Medyo mainit ang ulo ni Sir Benj kaya ayaw kitang papasukin." Then she let out a nervous laugh. "Mukhang lalo pang iinit ang ulo niya pag binigay mo 'yan. And honestly, I don't think I want to see that. Sa tagal ko dito sa Blush ay ngayon lang umakto ng ganito si Sir Benj. And it's making me nervous."
Halata nga ang nerbiyos ni Bhelle sa tuloy-tuloy nitong pagsasalita. Pero walang oras si Lucille na makipagkwentuhan pa dito. Kaya tumango lang siya saka dumiretso sa opisina ni Benj.
The moment that Lucille stepped inside, she immediately understood what Bhelle meant. Kahit siya ay hindi pa nakikita si Benj na ganito. Actually, wala namang kakaiba sa itsura nito. Sa katunayan ay seryosong nagta-trabaho lang ito. But she could feel the intense dark mood radiating from him.
"What do you want, Lucille?" Benj asked in a deceptively calm voice while still working on his laptop.
"Nagpunta lang ako dito para ibigay ito sa'yo." Dahan-dahang lumapit si Lucille sa desk ni Benj at ipinatong doon ang hawak niyang folder. Hinintay niyang kunin 'yon ni Benj at buklatin. Pero hindi nito ginawa. "You really need to see this, Sir."
Sandaling inakala niyang mawawala ang pinapakitang calmness ni Benj. Pero akala lang pala niya 'yon. Dahil ni wala itong reaksiyon nang kunin at buklatin nito ang folder. Muli lang nitong ibinaba ang folder sa desk. "No."
"No?"
"I don't accept your resignation."
"Bakit?"
"May kontrata kang pinirmahan."
"Kaya nga nagpapasa ako ng resignation ngayon ay para mapag-usapan natin kung paano ako makakalaya sa kontratang 'yon."
"I already said no. Hindi na magbabago ang isip ko."
Pinagkrus ni Lucille ang mga kamay sa kanyang harapan. "Then at least look at me when we're talking."
Pero hindi sumunod si Benj. Hindi din ito sumagot.
"Benj, look at me and tell me no." Gustong i-congratulate ni Lucille ang sarili dahil nagawa niyang patatagin ang boses. Pero ang totoo ay kabadong-kabado na siya. This was just a test on her part. Wala naman talaga siyang balak na magresign. Gusto lang niyang makita ang magiging reaksiyon ni Benj. "Sir—"
"I already said no, Lucille." Sa wakas ay sinalubong ni Benj ang mga mata niya.
Hindi naman talaga niya alam kung ano ba ang gusto niyang makita sa mga mata ni Benj. Kaya hindi niya alam kung paano dapat i-interpret ang nakikita niyang katigasan sa mga mata nito.
Biglang nakaramdam ng pagod si Lucille. Ilang araw pa lang na nasa ganito silang sitwasyon pero pagod na pagod na agad ang pakiramdam niya. So she decided to just let all her emotions show.
"Gusto mo ba akong pasakitan, Benj?" mahinang tanong niya. Hinayaan niyang marinig nito ang sakit at paghihirap sa boses niya.
Hindi sumagot si Benj. Pero nag-iwas ito ng tingin na para bang hindi na nito kayang tumingin sa kanya.
"Don't you think it's a bit cruel to make me continue working here while you—" tumigil siya at humugot ng malalim na hininga para pigilan ang sariling mapaluha. "Hayaan mo na lang akong magresign, Benj. Hindi yata kakayanin ng puso ko na nasa malapit ka lang, tapos nakikita kita pero..." Hindi na niya itinuloy ang sinasabi. Alam na niyang naiintindihan na ni Benj ang ibig niyang sabihin dahil bigla itong tumingin sa kanya. For a moment she thought she saw the same suffering look in his eyes. "Benj—"
"That's enough, Lucille. This has nothing to do with you and me. Importante ang trabahong ginagawa mo kaya ayaw kong magresign ka. Isa pa, nasa kalagitnaan tayo ng shopping season ngayon. Tambak ang mga trabaho natin. I'm sure that one of us is bound to make a mistake any time. I want you to be here to catch that mistake."
"All right. Hindi na ako magreresign. Pero sa isang kundisyon."
"Anong kundisyon?"
"Ipapaliwanag mo sa akin kung ano ang nangyayari. I want to understand this whole circus, Benj. Dahil sa totoo lang ay hindi ako naniniwala na bigla ka na lang mag-a-announce ng engagement sa ibang babae at sa fiancée pa ni Henry."
Matagal na pinakatitigan siya ni Benj. Tapos ay nagulat na lang siya nang bigla itong tumayo at nagsimulang magpalakad-lakad.
Hindi alam ni Lucille kung ano ang iisipin at mararamdaman habang pinapanood si Benj. Hindi din niya alam ang gagawin. Kaya pinagpatuloy lang niya ang panonood dito at hinintay itong magsalita.
"They have spies, you know."
"Ha?"
"Sila papa at Tita Margot. May mga spy sila dito sa opisina at sa building. Kaya kailangan kong umiwas sa'yo."
Napatunganga si Lucille dito. Bihira lang siyang maging speechless. At ngayon ay hindi lang siya basta speechless. She was completely dumbstruck.
BINABASA MO ANG
Texting Under the Influence (COMPLETE)
RomanceThis is the story of Benj and Lucille. Yes, si Lucille ay kapatid ni Justin na bida sa "Escape with Me." (https://www.wattpad.com/217602952-escape-with-me-published-under-phr-chapter-1) Hindi pa ito published. This is a raw version and I want you to...