Ang Lugar

3.5K 157 4
                                    

WHAT the hell was he thinking? Teka, wrong question. Hindi nga pala siya nag-isip. Basta ang alam niya ay parang bulang naglaho ang lahat ng ipinangako niya sa sarili nang makita ang pangalan ni Lucille sa screen ng cell phone niya. Sometime over the past two weeks, he already changed her name in his phonebook. Ang unang intensiyon niya ay burahin na ang numero nito. Naisip niyang kapag wala na sa phonebook niya ang number nito ay hindi na siya mate-tempt na i-text o tawagan ito. Pero hindi niya nagawa. Ang kinaya lang niyang gawin ay palitan ang pangalan nito.

Nilingon niya si Lucille. Tahimik na nakaupo lang ito sa passenger seat. She was biting her lower lip. Alam na niya ngayong habit nito 'yon. Ibig sabihin ay hindi ito mapakali. And it was distracting as hell. Kaya naman ibinalik na niya ang atensiyon sa kalsada. Baka maaksidente pa sila sa ginagawa niyang ito.

Pero kahit nang nasa kalsada na ang atensiyon niya ay magulo pa rin ang utak niya. Wala kasi siyang ideya kung ano ba itong ginagawa niya. Hindi niya alam kung paanong nakarating sila sa puntong ito. All he knew was that he missed her. He terribly missed her.

"Lucille," he called her name just because he missed the feel of her name against his lips. Mahigit dalawang linggo din niyang pinigilan ang sariling banggitin ang pangalan nito.

"Benj," she breathed his name.

Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Baka kasi bigla na lang niyang abutin at hawakan ang kamay ni Lucille at hindi na 'yon bitiwan. It's official now. He was out of his mind. Napatunayan niya 'yon nang makilala ang pamilyar na kalsadang dinadaanan nila. Malayong-malayo 'yon sa daan pauwi sa bahay nina Lucille.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung saan tayo pupunta?"

Lalong napadiin ang hawak ni Benj sa manibela nang ipatong ni Lucille ang isang kamay sa balikat niya.

"Hindi na kailangan, Benj."

"Bakit?"

"I trust you."

Hindi siya nakasagot. Ni hindi na nga yata siya humihinga. Bahagyang namalayan na lang niya ang pagdiin niya sa accelerator para pabilisin ang takbo ng kotse. Napahigpit ang pagkakahawak ni Lucille sa balikat niya. Pero hindi din ito nagsalita. He recognized the importance of this moment. Dahil nang oras na 'yon mismo ay naramdaman niya kung gaano kalaking tiwala ang ibinibigay sa kanya ni Lucille. Kaya pinilit niyang kalmahin ang sarili. Ilang sandali pa ay bumagal na ang pagpapatakbo niya sa kotse.

"I'm sure I don't deserve that trust," ngayon lang niya naisip na muntik na niyang ipahamak ang dalaga. Kung siya lang ang naroon sa kotse ay okay lang. Pero kasama niya si Lucille. And he faintly remembered how he beat two red lights just a while ago. Teka, dalawa lang ba? Parang tatlong red lights yata 'yon.

"Akala mo lang 'yon."

"Hindi 'yon akala lang. Siguro ako doon, Lucille."

"You're being stubborn."

"No, I'm just being honest," nai-imagine na niya ang iba't ibang pangit na scenario. Paano kung naaksidente sila? Paano kung may nangyaring masama kay Lucille?

"Shut up, Benj."

"I'm sorry."

"Nagsosorry ka ba dahil ilang linggo mo akong hindi tinext at tinawagan?"

Umiling siya. "I'm sorry for driving recklessly just a while ago."

"Oh, that's okay. Alam ko namang hindi mo ako pababayaan."

"Ah, so much faith," and then he chuckled sarcastically because he knew he was a fraud.

"Ah, so much cynicism," panggagaya ni Lucille sa kanya.

"Tulad ng sabi ko kanina, I'm just being honest."

"Basta naniniwala ako na hindi mo hahayaang may mangyaring masama sa akin. Ikaw mismo ang nagsabi niyan."

"Wala akong natatandaang may sinabi akong ganyan sa'yo."

"Hindi mo na kailangang sabihin. Your actions speak for you."

Gusto niyang matawa sa mga sinasabi nito. "Lucille, I'm not who you think I am."

"Then tell me."

"Anak ako sa labas," he stated brutally.

Naramdaman niya ang magaang paghaplos ni Lucille sa balikat niya. "Nasabi mo na 'yan sa akin noon. I didn't care about it then and I still don't care about it now."

Napakunot siya dahil parang umeepekto ang ginagawa nito. Unti-unting gumagaan ang pakiramdam niya. "Workaholic ako. Halos doon na ako sa opisina nakatira dahil 'yun lang ang kaya kong ipagmalaki, ang trabaho ko."

"Good for you, Benj. Ako nga walang trabaho na maipagmamalaki. Ni hindi ko pa nae-experience na magtrabaho."

Benj heard the faint touch of shame in Lucille's voice. "That's not something to be ashamed of."

"I'm not ashamed. Pero nahihiya ako sa mga magulang ko. Pakiramdam ko wala akong maibigay sa kanila na pwede nilang ipagmalaki. Si Kuya Justin ay isa nang CEO ngayon. Si Kuya Chase naman ay isang sundalo. And then there was me, the disappointment."

Hindi agad nakasagot si Benj. Naiintindihan kasi niya kung ano ang ibig sabihin ni Lucille. Alam na alam niya ang ganoong pakiramdam dahil nararamdaman din niya 'yon. And in that moment, he felt that he was not alone in this dreadful world. "Kapareho ko si Henry."

"Hindi ako naniniwala, Benj. Magkapatid nga kayo pero sigurado akong hindi kayo magkatulad."

"Ang ibig kong sabihin ay pareho kami ng kapalaran ni Henry. Sooner or later, my father would find some suitable heiress for me to marry."

Lucille giggled. Kinailangan pa niyang lingunin ito para masigurong tumatawa nga ito. "Parang galing ang linyang 'yan sa isang teleserye."

Nanatili siyang seryoso. Siguro ay naramdaman nito 'yon dahil bigla itong tumigil sa pagtawa.

"Seryoso ka talaga?"

Tango lang ang isinagot ni Benj.

"Hindi ako naniniwala sa'yo."

"Wala akong dahilan para magsinungaling."

"Alam ko, Benj. Ang ibig kong sabihin ay hindi ako naniniwalang basta ka na lang papayag sa gustong mangyari ng papa mo."

Hindi na nakasagot si Benj dahil papasok na sila sa basement parking ng building na pamilyar na pamilyar sa kanya. Hindi 'yon ang condo building niya at hindi din iyon ang office building niya. It was more personal and private than that.

"Anong lugar 'to?" lumingon sa paligid si Lucille.

Benj took his time turning off the engine. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang kinalas ang suot na seat belt bago siya humarap kay Lucille at yumuko palapit dito.

"'Yung lugar kung saan mahahalikan kita sa paraang gusto ko."

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon