The Master Charmer

5.4K 224 0
                                    

WOW! THAT was quite smooth, nasabi ni Lucille sa isip. She now realized that she was in the presence of a real master—a master charmer.

Nilingon niya ang lalaki at nahuli niya itong nakatingin sa kanya. Pinilit niyang ngumiti. Hindi mabuting tarayan niya ito dahil ito lang ang makakatulong sa kanya ngayon.

"Sorry talaga dun sa kanina ha? Hindi ko sinasadyang agawan ka ng parking space."

"'Wag mo nang isipin 'yun. Nakalimutan ko na nga eh."

Lucille could only stare at him in awe. Walang dudang isa nga itong master charmer.

"Doon na lang tayo sa opisina ko mag-usap."

Tango lang ang isinagot niya. Pareho silang tahimik hanggang sa makapasok sila sa isang opisina. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon na ilibot ang paningin sa paligid. Naupo agad siya sa visitor's chair nang igiya siya doon ng lalaki.

"So, what's this urgent matter that you need to discuss with Henry?"

Napakunot si Lucille. "I'd rather discuss it with him."

Tumaas ang isang kilay ng lalaki.

"It's personal," dugtong niya.

Naupo ang lalaki sa upuang katapat niya. "Well, if you put it that way then perhaps I need to introduce myself." Inilahad nito ang kanang kamay. "I'm Benj Sanvictores. Kapatid ako ni Henry."

"Oh."

"And you are?"

"Lucille Castillo, girlfriend ni Henry." Pagkatapos ay tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay.

"Hindi ko alam na may girlfriend pala si Henry." Friendly ang tono ng boses ni Benj. Pero nahimigan pa rin niya ang pagdududa.

"Well, pwede kong ipakita sa iyo ang mga pictures namin bilang patunay."

"Hindi na kailangan 'yan. I'm not trying to discredit you or anything."

"Pero hindi ka naniniwala sa sinasabi ko."

"Hindi naman sa hindi ako naniniwala. It's just that, walang nababanggit si Henry tungkol sa'yo."

Hindi nagustuhan ni Lucille ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. "Wala din siyang nababanggit tungkol sa'yo. Hindi ko nga alam na may kapatid pala siya. Ang akala ko ay mag-isang anak lang siya."

Some weird expression crossed Benj's face. Pero mabilis din 'yong nawala. Tumikhim muna ito bago muling nagsalita. "If I remember it right, hindi tayo nagpunta dito para pag-usapan 'yan. Ang sabi mo ay kailangan mong makausap si Henry, di ba?"

Nakagat ni Lucille ang ibabang labi. "Yes, that's right."

"So, what makes you think that he is here right now? I mean, it's Saturday today. Saka ano ba 'yong kailangan mong sabihin kay Henry?"

The man sounded so diplomatic. Dapat yata ay pumasok na lang ito sa pulitika kaysa maging isang executive. Speaking of executive, ngayon lang niya naisipang pagmasdan ang opisina nito.

"Kung hindi ka pa rin kumbinsido na kapatid ko nga si Henry, heto ang profile ko sa company Web site namin." Biglang lumitaw sa harap ni Lucille ang isang tablet. Naroon nga sa screen ang tinutukoy nitong profile. "Heto naman ang business card ko." Iniabot nito sa kanya ang isang maliit na papel. "Kung totoong girlfriend ka nga niya siguradong nasabi na niya sa'yo na may unique identifying marks ang mga business cards ng mga nakatataas na executives ng kompanya."

The man was right of course. Ilang beses nang naikwento sa kanya ni Henry ang tungkol doon. Hindi na niya kailangan pang pag-aralan ang business card ni Benj para masigurong totoo nga ang sinasabi nito. The fact that he knew about it was already proof enough.

"Alright," sumusukong wika ni Lucille. Ibinalik na niya ang tablet nito. "Kaya ako nagpunta dito ngayon ay dahil alam kong pumapasok pa rin siya sa trabaho kahit na sabado. As for your other question, well, you would probably just laugh at me."

Ngumiti ang lalaki. "I'm sure it's not that laughable."

Bigla siyang nakaramdam ng hiya pero sumagot pa rin siya. "Ahm... Nagpost kasi siya kagabi sa Instagram."

Hindi sumagot ang lalaki.

"It looked like he was on a romantic date. Well, picture lang naman ng table setting yung pinost niya. Pero hindi ko pa rin mapigilang isipin na..." her voice trailed off.

Hindi pa rin nagsalita si Benj.

"Tinext ko siya para tanungin kung bakit siya nagpost ng ganoon pero hindi naman siya nagreply. Tinatawagan ko din siya simula pa kagabi pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. I would have come here earlier. Pero may klase kasi ako kanina kaya ngayon lang ako nakapunta."

Tumingin muna ang lalaki sa suot na relo bago nagsalita. "Nine thirty pa lang ng umaga."

"May klase ako ng seven to nine. Maagang nagdismiss ang professor ko kaya nakapunta agad ako dito. But I only have a two-hour break. May klase na uli ako mamayang eleven. Kaya inagawan kita ng parking space kanina. Sorry uli. Nagmamadali lang talaga ako."

Tipid na tumango si Benj pero hindi nagsalita.

"As I was saying, kaya ako sumugod dito ay dahil gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng post niya na 'yun." And then Lucille bit her lower lip again. Isa 'yon sa mga habit niya kapag hindi siya mapakali at kinakabahan. At ngayon lang niya tuluyang inamin sa sarili na nag-aalala talaga siya sa nakita niyang post ni Henry.

"Ahm, Miss Castillo—"

"Lucille ang pangalan ko. You can call me Lucille. Here," iniabot niya dito ang kanyang ID. "Hindi ako masamang tao. You can even call the school to confirm my identity."

Sa halip na mapanatag ang lalaki sa kanyang sinabi ay parang lalo lang itong nabahala. "Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan pang kumpirmahin ang identity mo. And you can call me Benj."

Tumango siya. Then she watched him shift in his seat with obvious discomfort.

"Ahm, Lucille, actually I'm not in any position to say anything to you. But you seem like a nice and decent girl."

Uh-oh. That does not sound good. Nakagat nanaman niya ang labi. Bigla ding tinambol ang kanyang dibdib. Sa itsura kasi ni Benj ay parang naghahanda itong magbigay ng masamang balita.

"Actually, 'yung nakita mong post ni Henry sa Instagram ay hindi isang romantic date."

Dapat ay makaramdam siya ng relief. Pero may kung ano siyang nakita sa mga mata ni Benj na pumigil sa kanya. "Kung ganoon ay ano iyon?"

"It was an engagement dinner."

"Ano?"

"To be more precise, it was Henry's engagement dinner."

Umiling siya. "N-nagkakamali ka."

Umiling din ito. "I was there, Lucille."

"Pero ako ang girlfriend niya. How can he announce his engagement without me?"

Hindi na kailangan pang magsalita ni Benj para makuha niya ang sagot sa tanong na 'yon. Obviously, Henry announced his engagement to another woman. 

~~~

Thanks for reading. Don't forget to vote! 

- Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon