Patience... Again?

3.7K 184 3
                                    

KANINA pa pasilip-silip si Lucille sa kanyang cell phone. Lagpas alas nuebe na ng gabi. Mukhang ginaganahan pa ang prof nila sa pagdidiscuss tungkol sa African literature. Isa 'yon sa mga major subjects niya. Pero hindi niya magawang magfocus. Ang nasa isip lang niya ngayon ay kung naroon na ba si Benj at naghihintay. Hindi naman kasi ito nagtetext at ayaw niyang maunang magtext. Ito naman ang nagprisintang pumunta doon ng eight-thirty kaya wala siyang dapat ika-guilty. Pero nine-fifteen na.

Napatingin siya sa pinto nang may kumatok doon. Isang staff ng school ang sumilip sa classroom.

"Good evening, Sir," nakangiting bati nito. "I'm sorry to interrupt. Pero nine-twenty na po. We are already vacating the building."

Agad na napatingin si Lucille sa kanyang relo. Totoo ngang nine-twenty na. Ni hindi niya namalayan na limang minuto na muli ang lumipas. Hindi na din niya halos namalayan ang pagdidismiss ng klase nila. Basta ang natatandaan niya ay siya ang pinakaunang lumabas sa classroom.

"Lucille!"

Napalingon siya kay Mia pero hindi siya tumigil sa paglalakad. "Bakit?"

"Anong bakit? Ikaw ang bakit nagmamadali?" tanong nito na sumabay sa kanya.

"Late na kasi."

"Ngayon ka lang yata naging concerned sa late na dismissal," komento ni Rosemarie na naroon na rin sa tabi niya.

Sumusukong binagalan niya ang paglalakad. "Nandiyan kasi si Benj."

Biglang tumigil sa paglalakad ang dalawa niyang kaibigan. Napatigil din tuloy siya para lumingon sa dalawa. Natawa siya sa gulat na reaksiyon nina Mia at Rosemarie.

"Hoy, Lucille, 'wag kang basta tumawa lang diyan. Magpaliwanag ka." Itinuro pa siya ni Rosemarie.

"Balak mo bang tuhugin ang magkapatid na 'yun?" nanlalaki ang mga matang tanong naman ni Mia.

Pinaikot ni Lucille ang mga mata. "Ayoko ng pagkaing nakatuhog. Hindi ko gusto ang kebab, barbecue, banana cue, kamote cue, isaw, at fishball na nasa stick."

"Kinakain mo naman ang lahat ng 'yan ah," komento ni Mia na sumabay na uli sa paglalakad niya.

"Ang sabi ko ay ayoko sa kanila kapag nasa stick sila. Basta natanggal na ang stick ay pwede ko nang kainin ang mga 'yun."

"Paano tayo napunta sa discussion ng mga pagkain? Hindi ba ang pagtuhog mo sa magkapatid na Henry at Benj ang pinag-uusapan dito?" tanong ni Rosemarie na nakahabol na din.

"Exactly. Ayoko nga sa mga nakatuhog na pagkain kaya mali ang iniisip niyo," sagot ni Lucille.

"Anong klaseng logic 'yan?" tanong ni Mia.

"Hindi naman pagkain sila Henry at Benj," komento naman ni Rosemarie.

Pinaikot nanaman ni Lucille ang mga mata. "Po-tey-to, po-tah-to, same thing. At hindi ako nagdadahilan. I am just stating a fact."

"Hindi parin pareho 'yun, Lucille," giit ni Rosemarie.

"Rosemarie, 'wag mo nang patulan ang logic ni Lucille. Hindi naman tayo mananalo diyan eh. Papaikutin lang niyan ang usapan hanggang sa makakalimutan na natin ang tunay na focus."

"Funny. You just reminded me of something that Benj said." Napangiti pa si Lucille nang maalala ang paglabel ni Benj sa kanyang style of reasoning bilang Lucille language. She could just imagine his exasperation with her.

"Hala siya, napapangiti na lang bigla," narinig niyang komento ni Rosemarie.

Hinarap niya ito. "It does not mean anything, okay? May kailangan lang kaming pag-usapan kaya siya nandito."

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon