I like your smell

4.1K 192 0
                                    

HINDI na mapakali si Benj pagkatapos mabasa ang huling mensahe ni Lucille. Sinubukan niyang balewalain ang sariling konsiyensya. Pinilit niyang itutok ang buong atensiyon sa kanyang trabaho. Nasa kalagitnaan pa naman siya ng pagmomonitor sa nagaganap na midnight sale ng Blush. But damn it! Kahit na ano ang gawin niya ay paulit-ulit pa ring sumisingit sa isip niya ang mga text ni Lucille. At kahit na ayaw niyang aminin ay nagi-guilty talaga siya. Kaya naman bigla niyang tinawagan si Henry.

"Hello?" inaantok na bati ni Henry mula sa kabilang linya.

"You're sleeping?"

"Hello din sa'yo, Benj," sarkastikong sagot nito. "And yes I'm sleeping. It's almost one o'clock in the morning, for Pete's sake. Ano pa ba ang dapat na ginagawa ko nang ganitong oras?"

Humugot ng malalim na hininga si Benj. Baka sakaling makahugot din siya ng pasensiya. "Ano'ng ginawa mo kay Lucille?"

"Ano? Inistorbo mo ang tulog ko para lang tanungin ang bagay na 'yan?"

"Henry, kailangan kong malaman. Ano ang ginawa mo kay Lucille?"

"Wala, okay? Wala akong ginawa sa kanya."

"Ano'ng ibig mong sabihing wala kang ginawa?" Wala siyang pakialam na tumaas na ang boses niya.

"I mean exactly what I said. Wala akong ginawa. I decided to just let her do what she wants. Bahala siya kung pupunta siya sa party. Desisyon niya 'yon. Wala akong oras para makipag-usap pa—"

Hindi na niya pinatapos si Henry. Basta na lang niyang pinutol ang tawag. Pagkatapos ay humugot muna siya ng malalim na hininga saka tinawagan si Lucille.

"'Lo?"

Hindi nakapagsalita si Benj. Sa halip ay inilayo niya sa tenga ang cell phone at tinignan iyon. Tama naman ang na-dial niyang numero. Muli niyang inilapit sa tenga ang cell phone. Parang napakagulo ng naririnig niyang background.

"Lucille?"

Nakarinig muna siya ng kung anong ingay bago may nagsalita sa kabilang linya. "Hello? Sino 'to?"

"I'm calling for Lucille."

"Ah," tanging sagot ng babae sa kabilang linya.

Ilang beses pa lang naman niyang nakakausap si Lucille pero sigurado siyang hindi ganoon ang boses nito. Kaya tinanong niya, "Nasaan si Lucille?"

"Ahm, well..." the rest of her sentence got muffled by something. Parang may humila sa cell phone.

"Hello? Nandiyan ka pa ba?"

"Hello, ano, ahm... nandito kami sa Jas Café. Kaibigan ako ni Lucille."

"Get her on the phone. Now." Hindi na namalayan ni Benj na nakatayo na pala siya at naglalakad palabas ng opisina.

"Sorry, mukhang hindi possible 'yan ngayon. She's drunk."

"Ano?"

"'Yoko pang umuwi," narinig niya ang boses ni Lucille sa background.

Napailing na lang si Benj. "Hintayin niyo ako diyan. I'll be there in fifteen minutes."

HINDI nagkamali ng calculation si Benj. Nakarating nga siya sa Jas Café sa loob lang ng kinse minutos. Agad na pumasok siya sa loob pagkatapos magpark. Ni hindi niya pinansin ang kakaibang tinging ibinigay sa kanya ng guard slash bouncer sa bar. He knew he looked out of place. Wala na siyang suot na necktie. But he was still wearing a suit.

Nakahinga siya ng maluwag nang mamataan niya si Lucille na nakayuko sa isang mesa. Hindi niya alam kung paanong namukhaan agad niya si Lucille. He just immediately knew it was her.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon