BENJ was a coward, a big fucking coward. Paano ay kanina pa niya iniiwasang tignan ang sariling cell phone. Simula nang tumunog 'yon kanina at makita niya ang pangalan ni Lucille, aka Confucius, ay basta na lang niya iyong ipinatong sa pinakamalayong corner sa mesa niya. Ni hindi niya binasa kung ano ang laman ng text message nito.
"Malulugi na ba ang Blush?"
Napaangat ang kanyang tingin pagkarinig sa tanong na 'yon. Pinanood niya ang mala-prinsipeng pagpasok ni Henry sa kanyang opisina.
"Our sales are up by twenty percent this month and our membership has reached a ninety percent increase."
"Kung ganon ay bakit kunot na kunot 'yang noo mo?"
Umiling lang siya saka ibinalik ang atensiyon sa codes na ginawa ng team niya para patibayin ang security ng kanilang servers. Pero nawalan na siya ng ganang magtrabaho ngayong biglang sumulpot doon si Henry. Pinupuntahan lang naman kasi siya nito kapag may ipapagawa ito sa kanya o kaya ay may hihinging pabor. Which means, Henry had screwed up again. Ganyan naman talaga ang relasyon nilang magkapatid. Hindi pwedeng masira ang public image ni Henry. Kaya laging nariyan si Benj para ayusin ang kahit anong gusot na napapasok nito.
"What is it this time, Henry?"
"Wala naman. Bakit? Bawal bang bumisita dito sa opisina mo?"
Tinignan lang niya ito.
Napapabuntong hiningang sumandal ito sa gilid ng kanyang mesa. "I received a confirmation that Lucille will attend the party."
Tumango siya.
"Alam mo na?"
"Oo."
"At hindi mo man lang sinabi sa akin?"
"As far as I know, wala akong obligasyong magreport sa'yo."
"Benj, naman, alam mong—" bigla itong natigilan at basta na lang hinampas ang kanyang mesa.
Napatingin si Benj sa mga papel na hinampas ni Henry. Or rather, sa libro.
Shit!
"Kailan ka pa naging interesado sa African literature?"
Alam niyang walang saysay kung magkakaila siya. Pero hindi din naman niya ugali ang magpaliwanag. Kaya nanatili siyang tahimik.
"Kailangan ko pa bang itanong kung bakit nasa iyo ang libro ni Lucille?" Pagkatapos ay itinuro nito ang pangalan ni Lucille na nakasulat sa ibabang bahagi ng cover ng libro.
"You can ask. But don't expect me to answer."
"Hmm." Tinitigan siya ni Henry. Pero hindi niya ito pinansin. "Alright," maya-maya ay wika nito kasabay ng paglayo sa kanyang desk. "Hindi naman kita masisisi. Lucille is really pretty and nice. Even though she is a little childish and unrefined."
Gustong ipagkaila ni Benj na hindi siya interesado kay Lucille sa paraang ipinahihiwatig nito. Pero may kung anong pumigil sa kanya. Para kasing hindi tama na i-deny niya ang dalaga. Lalo na at tila iyon ang inaasahan ni Henry dahil sa pagcriticize nito sa ugali ni Lucille. He did not know why, but it made him angry. Kaya siguro sinabi niya, "Actually, Henry, she will be going as my date."
Tumawa ng malakas si Henry. "Wag kang magbiro ng ganyan."
"Mukha ba akong nagbibiro?" ganting tanong ni Benj.
Natigil ang pagtawa nito. "Wag mong gawin ito, Benj?"
"Bakit? Ano'ng masama sa pagdadala ko ng date sa party? As a matter of fact, I am required to bring a date. Utos ni papa."
BINABASA MO ANG
Texting Under the Influence (COMPLETE)
عاطفيةThis is the story of Benj and Lucille. Yes, si Lucille ay kapatid ni Justin na bida sa "Escape with Me." (https://www.wattpad.com/217602952-escape-with-me-published-under-phr-chapter-1) Hindi pa ito published. This is a raw version and I want you to...