Hindi na ako bata!

4.1K 172 2
                                    

"SIGURADO kang hindi mo na kailangang tumawag sa inyo para magpaalam?" nagdududa pa ring tanong ni Benj kahit na sinabi na ni Lucille na nagtext na ito sa mga magulang nito.

"Benj, hindi na ako bata."

Ibinuka niya ang bibig para sumagot pero naunahan siya nito.

"At 'wag mong idadahilan na nag-aaral pa ako." Itinuro pa siya nito.

"Hindi naman 'yan ang sasabihin ko."

"Mas mabuti na ang malinaw." Pagkatapos ay ibinuhos na nito ang atensiyon sa mga pagkaing nasa harap nila.

Siya man ay napatingin sa mga pagkaing inorder nito. Because Lucille was just looking at them. Ni hindi nito tinitikman ang mga pagkain. Para bang masaya na ito na mina-massacre ang mga pagkain gamit ang kutsara at tinidor. Actually, hindi pa naman iyon ang pinakaweird sa lahat. Mas weird pa 'yung pakiramdam na overdressed siya sa 24-hour na kainan kung saan siya dinala ni Lucille.

"Lucille, ano'ng ginagawa mo?" tanong niya nang hindi na talaga siya makatiis.

"I'm trying to figure it out. Gusto kong malaman kung ano'ng ginawa nila para makuha ang ganitong lasa."

Hindi sigurado si Benj kung dapat ba siyang matawa. "So sa tingin mo ba ay matatagpuan mo ang sikreto sa loob ng mga karne kaya mina-massacre mo ang mga ulam?"

Hindi sumagot si Lucille. Nakafocus pa rin ang atensiyon nito sa embutido. Well, sa pagkakaalam niya ay embutido 'yon kanina. Pero ngayon ay hindi na siya sigurado.

"Tikman mo," maya-maya ay sabi nito kasabay ng pag-umang ng tinidor na may nakatusok na embutido sa mismong tapat ng bibig niya. "Say ah."

Kumunot lang ang noo ni Benj sa ginawa nito.

"Benj, nangangawit na ako. Sige na, isubo mo na 'to." Pagkatapos ay lalo pang inilapit ni Lucille ang tinidor sa bibig niya. Napilitan tuloy siyang isubo iyon.

The moment that he chewed on the food, he immediately tasted what Lucille was talking about. Masarap nga 'yon kahit pa hindi na mukhang kaaya-ayang kainin dahil sa pagma-massacre nito.

Kukunin na sana niya ang sariling tinidor para kumuha ng pagkain nang may itapat nanaman si Lucille na pagkain sa harap niya. Hindi na siya nag-attempt na hulaan kung ano iyon.

"Eto pa," wika ni Lucille kasabay ng paglapit ng kutsara sa bibig niya.

"Pwede ko bang tanungin kung ano 'yan?"

"Rellenong talong."

Nagdududa man ay isinubo na din niya ang pagkaing ibinibigay nito.

"Masarap di ba?"

Tumango lang si Benj bilang sagot.

"Heto pa," and then Lucille was shoving another food on his mouth.

Hindi pa man niya nalulunok iyon ay may isinusubo nanaman ito sa kanya. Ngayon lang niya narealize na nagugutom na pala siya. Kaya hindi na siya nagreklamo nang magpatuloy ito sa ginagawang pagsubo sa kanya ng kung ano-anong pagkain. Napatingin siya sa hawak niyang kutsara at tinidor. Napakalinis pa rin ng mga 'yon. Ibig sabihin ay kanina pa siya sinusubuan ni Lucille. The whole situation kind of felt too intimate. Kaya nang muli siyang subuan ni Lucille ay umatras na siya.

"I can eat on my own, you know."

Lucille suddenly looked horrified. "I'm so sorry, Benj." Pagkatapos ay bigla nitong binitiwan ang hawak na kutsara at tinidor saka kinagat ang ibabang labi.

Hindi napigilan ni Benj na panoorin ang ginawa nito. Sigurado siyang konting diin pa ay magdudugo na iyon. Naawa na siya dito kaya ngumiti siya. "It's okay."

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon