BENJ absently reached for his cell phone when it rang. Nagtaka siya nang makita ang pangalan ni Lucille. Well, actually Confucius talaga ang nakalagay na pangalan sa cell phone niya. Hindi pa niya napapalitan iyon.
Check your email. Iyon lang ang laman ng text message nito.
Napabuntong-hininga siya. Iyong email address na nasa calling card na binigay niya kay Lucille ay ginagamit lang niya para sa trabaho. At ang email address na iyon ay mina-manage ng assistant niya. Mayroon siyang ibang email address na ginagamit para sa mas urgent na mga bagay at mas importanteng tao.
"Bhelle, come inside for a second," utos niya nang tawagan ang kanyang assistant.
Ilang sandali pa ay nasa harap na niya ang babae. "What can I do for you, Sir?"
"May natanggap ka bang email na—" hindi na niya natapos ang sinasabi dahil ipinatong agad ni Bhelle ang tablet sa mesa niya.
"Papunta na ako dito nang tumawag ka. I thought you needed to see this, Sir."
Tumango lang si Benj. Kung ano man ang inaasahan niyang ipapadala ni Lucille sa email ay siguradong hindi ito 'yon. Actually, wala siyang ideya kung ano ba ang maaaring ipadala sa kanya ni Lucile. But it was definitely not this.
"Shit!" was all he could say before standing up. "Can I borrow this for a sec?" tanong niya pero hindi naman niya hinintay na sumagot si Bhelle. Mabilis na lumabas na siya sa kanyang opisina at dumiretso sa opisina ni Henry. Pero bago pa siya makapasok ay naharangan siya ng assistant nito.
"Sir Benj. May—" bago pa ito matapos ay nalagpasan na niya ito.
Naabutan niya si Henry na may kausap sa telepono. Kumunot ang noo nito pero nagpatuloy parin sa pagsasalita. Si Benj naman ay naupo lang sa katapat nitong visitor's chair habang hinihintay itong matapos.
"I suddenly had a pressing matter to attend to, Mr. Alejandro. Ituloy natin ang pag-uusap natin sa susunod na araw. Yes, I'll see you at the meeting." Pagkatapos ay ibinaba na ni Henry ang telepono at tinignan siya ng masama. "This better be good, Benj."
Hindi siya sumagot. Iniabot lang niya dito ang kanyang tablet.
"What the hell?" agad na wika ni Henry.
"You tell me, Henry," malumanay na wika ni Benj saka kinuha ang tablet mula dito. Hindi na niya kailangang tumingin doon para malaman ang nakalagay sa email. In bold and all capital letters, Lucille had written: WHAT THE HELL DOES THIS FUCKING MEAN? Sa baba n'on ay ang electronic invitation para sa engagement party ni Henry at ni—Benj had to look down to make sure he got the name right. Alyssa, ah yes. Alyssa nga pala ang pangalan nito.
"Shit!" pagmumura ni Henry.
"I'm not gonna clean up this mess, Henry. Mag-isa ka na dito."
"Come on, Benj—"
"Shut up, Henry. Alam kong mas matanda ka sa akin pero wala akong pakialam. We need to draw the line somewhere."
"Benj, naman—"
"I mean it."
Nagpakawala ng malalim na hininga si Henry at sumenyas sa kanya para maupo. Pagkatapos ay tinawag nito ang assistant nito sa loob.
"Gigi, how the hell did this happen?"
Benj gladly showed the woman the tablet. Kumunot ang noo ng babae. "I'm sorry, sir. Actually, ini-assign ko sa isa sa mga interns ang pagpapadala ng electronic invitation."
"Paano nangyaring pinadalhan niya ng imbitasyon ang ex-girlfriend ko?"
Nanlaki ang mga mata ni Gigi. "H-hindi ko alam, sir. Ibinigay ko sa kanya ang address book mo na naglalaman ng mga contact details ng mga close friends mo. I firmly instructed the intern to skip some names."
BINABASA MO ANG
Texting Under the Influence (COMPLETE)
RomanceThis is the story of Benj and Lucille. Yes, si Lucille ay kapatid ni Justin na bida sa "Escape with Me." (https://www.wattpad.com/217602952-escape-with-me-published-under-phr-chapter-1) Hindi pa ito published. This is a raw version and I want you to...