Naiinis na ako sa lalaking nasaharapan ko letse!! Kanina pa ako naka tingin sa ng masama pero alam nyo ba yung sinukli niya? Isang malaking ngiti lang naman! Buwisit talaga!
"Oh eto meryenda kain ka muna" biglang may nag salita sa likod.
Tumingin ako at si mommy pala. May dala siyang miryenda.
"Salamat po mam" hays! Pakitang tao ang lintek.
"Welcome sige kain kalang masarap yan. Ako nag luto iho" sabi ni mommy.
"Talaga po? Wow" kinuha ni izcer yung kutsara at tumikim." Wow ang sarap po ng puto nyo at leche plan"
Nakakairita na ah! Pakitang tao ang putik!
(-_-)
Sarap tusukin ng tinidor yung lalaking ito!
"Trix tulungan mo nga ako kunin nga yung juice sa lamesa" sabi ni mommy.
Ano pabang magagawa ko? Edi sumunod tsk.
Pagka dating namin sa sala agad naman akong kina usap ni mommy.
"Anak bakit hindi mo man lang sinabi na may bisita ka pala. Edi sana hindi na siya nag antay sa pagkain"
(o_O)
Eh? Hindi ko nga din alam na pupunta ito eh letse!
"Ah.... Hehe... Akala ko po kasi hindi siya tuloy. May tatanong lang po siguro yun." Palusot ko kay mommy.
Buwisit talaga!!!
"Ah ganun ba nak osige dalian mo na iyang baso at ako na dito sa pitsel"
"Sige po ma"
Wew!
Buti nalang naniwala si mommy kung hindi, tigok ako. Bakit kasi andito yan? Feeling close lang? Hay nako mga tao nga naman, pa fc.
"Here" linapag ko na yung miryenda niya sa lamesa.
"Thank's" he said.
Bakit ganon? Ngiting ngiti itong lalaking ito? May sayad lang? Tsk!
"Anak ikaw muna bahala sa bisita mo. punta lang ako kila aleng milet"
Anak ng pating!! Edi kami dalawa lang maiiwan sa babay? Wala nanaman kasi si kuya eh. Pag katapos mag buhat kanina gumala na ang hinayupak.
Haynako!!
"So tayo lang siguro tao dito right?"
*LUNOK!*
"N-no" shit! Nauutal nanaman ako!
"Lol" naka ngiti niyang sabi.
Okay siya na may magandang ngipin! Bakit ba kasi nag iinis ito?
(-_-)
"A-ano b-ba k-kasi ginagawa m-mo dito!" Letse ka talaga Trix! Bakit ka nagkakaganyan!
"Pinapaalam ko lang na magiging asawa na kita"
*LUNOK!*
Eh?
"Look baby namumula ka haha"
Damn! Namumula ba talaga ako? Waaahhhhh! Yuko na!!!
"A-asa!!"
Naka ngiti padin siya. Yung ngiting nangiinis.
"Pero totoo inaayos nanamin ang mga papeles para mapasakin kana"
"Aish! Sumosobra kana!!" Gigil na sabi ko. Hindi ko na matiis itong lalaki ito tsk!
![](https://img.wattpad.com/cover/94821470-288-k522011.jpg)