Chapter 5

1.7K 56 6
                                    

RAMDAM ni Tazmania ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso habang hinahabol ang hininga, at hindi maikokompara ang ingay niyon sa ingay ng tren na nakalagpas na sa kanila. Mahigpit pa rin ang yakap niya kay Odie, sinisigurong hindi ito mabubunggo ng mga taong nag-uunahan sa paglabas at pagsakay sa tren. He wanted to keep her safe in his arms.

"Tazmania!"

Natauhan lang si Tazmania nang maramdaman ang pagbayo ni Odie sa dibdib niya. Nang luwagan niya ang pagkakayakap, itinulak siya nito nang malakas dahilan para mapaatras siya at mabunggo ang tao sa likuran.

"Bakit mo 'ko niyakap?" galit na tanong ni Odie. Hindi naman ito sumigaw, pero lumakas ng kaunti ang boses, dahilan para pagtinginan at pagbulungan sila nang mga tao sa malapit.

Namaywang si Tazmania, habol pa rin ang hininga. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod. Siguro ay dahil nakahinga na siya nang maluwag na ligtas na si Odie. Kinalkal na lang niya sa isip ang unang palusot na naisip niya. "Well, gusto ko lang pasalamatan ka sa paghuhugas ng mga tasa."

Okay, that sounded lame. Hindi na siguro nakakapagtaka kung kumunot ang noo ni Odie at tapunan siya ng nagdududang tingin. "Huh? Niyakap mo 'ko bilang pasasalamat sa paghuhugas ko sa bahay mo?"

Nagkibit-balikat siya. "Bakit hindi? I hug people I'm grateful to."

Now I sound like a pervert!

"May problema ho ba?" tanong ng lumapit na guwardiya sa kanila.

"Wala po," mabilis na sagot naman ni Odie.

"Nag-uusap lang kami," dugtong naman ni Tazmania.

Binigyan sila ng nagdududang tingin ng guwardiya, pero sa huli ay tumango ito at iniwan na sila habang bubulong-bulong ng: "LQ siguro."

Umatras si Odie palayo sa kanya. Kakaiba na ang tinging ibinibigay sa kanya ngayon. "Ang weird mo ngayon, Tazmanian Devlin Fortunate."

Tumikhim si Tazmania, nang kahit paano naman ay mapagtakpan ang pagkapahiya niya. "Odie, when life gives you lemons, you're supposed to make lemonade, not squeeze the juice into your eyes and cry. Speaking of lemons, gusto mong mag-almusal kasama ako?"

Matigas na umiling si Odie. "Huh? Ano ba'ng sinasabi mo? Pagkatapos ng inasal mo ngayon, 'tingin mo sasama ako sa 'yo? No. Umuwi ka na nga. Baka kulang ka pa sa tulog."

"Mauna ka."

"Huh?"

"Mauna kang umuwi. At mag-bus ka na lang. Huwag ka nang sumakay ng tren." Alam naman ni Tazmania na hindi papayag si Odie na ihatid niya pagkatapos ng nangyari, kaya hindi na rin siya nag-alok. Sisiguruhin na lang niyang hindi ito magpapasagasa sa tren.

"Bakit naman?"

"Hindi ka ba nanonood ng news?" pagsusungit-sungitan ni Tazmania. "Delikadong sumakay ng MRT ngayon dahil sa sunod-sunod na aksidente nitong nakaraan." Tinapunan siya ng masamang tingin ng mga commuter na nakarinig sa kanyang sinabi. Tumikhim lang uli siya at binalingan si Odie at sinenyasan itong umalis na. "Umuwi ka na, dali."

Sumimangot si Odie, halatang gulong-gulo na sa ikinikilos niya. "Your age has probably caught up with you."

"What about my age?" iritadong tanong ni Tazmania. Wala siyang problema sa edad niya dahil sa mga lalaki, bata pa ang treinta y uno. Pero sa paraan ng pananalita ni Odie, parang insulto ang pagpapaalala nito sa edad niya. Heck, she didn't even know how old he was.

"Nagse-second childhood ka na siguro," iiling-iling na sabi ni Odie, masama pa rin ang tingin sa kanya.

"I'm only thirty-one, woman! Just three years older than you are!"

Dumb Ways To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon