Chapter 33

1.8K 46 8
                                    

NAGPUNTA pa rin si Odie sa restaurant na sinabi ni Tazmania, sa kabila ng malaking giyerang nagaganap sa kalooban niya.

Ayaw na sana niyang makipagkita sa binata dahil tiyak na may ipaparamdam na naman ito sa kanya na ayaw na sana niyang maramdaman uli.

Pero mas nangibabaw sa kanya ang pagnanais na malinawan kung ano na ba ang meron sila ngayon. Kung tama ba siya na may damdamin pa rin para sa kanya ang binata, o baka nag-iilusyon lang siya at masyadong malisyosa.

Kung magkakaroon siya ng lakas ng loob, baka ipagtapat na rin niya kay Tazmania ang takot niya na magmahal uli. Hindi pa pag-ibig ang nararamdaman niya para sa binata sa ngayon, pero sigurado siyang papunta na iyon doon. Lalo na kung hindi niya marerendahan ang kanyang damdamin. Na mahirap gawin lalo't parating may sinasabi at ginagawa si Tazmania na tumatagos sa puso at buong pagkatao niya.

Gumuhit sa isip ni Odie ang imahen ng nakangiting mukha ni Pluto. Bigla siyang nilamon ng konsiyensiya.

I'm sorry, Pluto. Kahit ako, hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa 'kin ngayon.

Naputol lang ang pagmumuni niya nang tumunog ang kanyang cell phone. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sinagot ang tawag ni Tazmania. Come to think of it, late na ang binata sa usapan nila. "Hi, Tazmania. Nandito na 'ko. Nasa'n ka na?"

"I'm sorry, Odie. I can't make it. Isinugod kasi sa ospital si Moria kaya sinamahan ko muna si Monique dito."

Binundol ng kaba ang dibdib ni Odie. Inaanak niya ang pinag-uusapan. "Ano'ng nangyari kay Moria? Is she okay?"

"Calm down, baby. Moria is safe now. Mataas ang lagnat niya kanina, pero ang sabi naman ng doktor, maayos na siya ngayon."

"Nag-aalala pa rin ako. I-text mo sa 'kin kung saang ospital 'yan. Susunod ako."

"Okay, baby. Pero huwag kang magmadali, ha? Mag-ingat ka sa biyahe."

"I will."

Nang putulin ni Odie ang tawag, natanggap agad niya ang text ni Tazmania na nagsasabi kung saang ospital naroroon ang mag-ina, pati ang room number ni Moria. Paglabas ng restaurant ay tumawag agad siya ng taxi at nagpahatid sa ospital.

Pagdating sa ospital, dumeretso agad siya sa kuwarto ni Moria. Pero agad siyang natigilan dahil sa tapat pa lang ng kuwarto ay nakita na niya sina Tazmania at Monique na tila seryoso sa pag-uusap.

Tatawagin na sana ni Odie si Tazmania, pero natigilan uli siya nang biglang yumakap si Monique sa baywang ni Tazmania, at isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata. Mabilis namang pumalupot ang mga braso ni Tazmania kay Monique.

Nakaramdam si Odie nang matinding paninikip ng dibdib, na para bang hindi siya makahinga. Alam niyang ang eksenang nakikita niya ang dahilan niyon, at hindi na rin naman siya iba sa kung ano man ang nararamdaman niya.

Kaya tumalikod siya at naglakad palayo, wala sa sarili. Nanghihina ang pakiramdam niya at alam niyang bibigay na ang kanyang mga tuhod, kaya umupo muna siya sa hagdan na patungo sa emergency exit kung saan wala masyadong dumadaan.

Paulit-ulit siyang huminga nang malalim para kalmahin ang sarili, para kahit paano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman sa kanyang puso.

She had never been so hurt since Pluto died.

Naihilamos na lang ni Odie ang mga kamay sa mukha, dahil sa realisasyon na parang malamig na tubig na gumising sa kanya. I like Tazmania. I like him more than I've ever imagined liking someone.

Bakit ba kailangan pa niyang ma-realize na gusto niya si Tazmania? May pangako siya kay Pluto na gusto niyang tuparin. At hindi rin naman niya kayang traidurin si Monique dahil nagkagusto rin siya sa lalaking gusto ng kaibigan.

Sa gulo ng damdamin ni Odie, napatunganga na lang siya habang nag-iisip nang malalim. Pagkatapos ng mahabang pag-iisip, nakabuo siya ng desisyon: hindi siya mamamagitan kina Tazmania at Monique.

Hindi naman siya nagpaparaya, inilalagay lang niya sa lugar ang kanyang sarili. Nakita niya kung gaano kalapit sina Tazmania at Monique noong kababalik lang niya sa Pilipinas. Kung hindi siya nagpakita sa dalawa, malamang ay matagal nang nagkamabutihan ang mga ito.

Paano naman ang feelings ni Tazmania? naghihinanakit na tanong ng isang bahagi kanyang ng puso, ang bahaging gustong alagaan niya ang damdamin para sa binata.

Mabait si Tazmania sa mga kaibigan nito, kaya hindi naman nakakasiguro si Odie kung may damdamin pa ba sa kanya ang binata. Sa nakikita niyang pag-aalala nito kay Monique, hindi imposibleng nagkakamali lang siya, at ang kaibigan niya ang totoong gusto ng binata.

Dahil kung tutuusin, imposibleng mahalin pa siya ni Tazmania pagkatapos ng pang-iiwan niya rito. Idagdag pa ang dalawang taong nakapagitan sa kanila. Pero si Monique, nakasama ng binata sa mga nakalipas na taon.

Paano mo ipapaliwanag ang mga naramdaman mo sa bawat haplos at titig ni Tazmania sa 'yo? pagpupumilit pa rin ng bahagi ng puso niyang ayaw isuko si Tazmania.

Tinakpan ni Odie ng mga kamay ang mga tainga, na para bang may magagawa iyon para hindi na niya marinig ang maliit na tinig ng boses niya. Tama na. Huwag mo nang alamin ang sagot. Mahihirapan ka lang lumayo.

Naputol lang ang pakikipag-debate ni Odie sa sarili nang tumunog ang kanyang cell phone. Humugot siya ng malalim na hininga bago sinagot ang tawag ni Tazmania.

"Odie, nasa'n ka na?" nag-aalalang tanong nito.

"Uh, hindi na 'ko tutuloy, Tazmania," pagsisinungaling niya. "Tinawagan kasi ako ng mommy ko."

"Is everything okay? You sound sad."

"Everything is okay," paniniguro niya. "I have to hang up now, Tazmania. I-text mo na lang sa 'kin kapag may pagbabago sa kondisyon ni Moria."

"Okay. Magpahinga ka na, mukha kasing pagod ka."

"Goodnight," bulong ni Odie, kahit "good-bye" ang gusto niyang sabihin kay Tazmania.

Dumb Ways To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon