Chapter 17

1.2K 46 4
                                    

"ANG DAMI nito, Tazmania. Baka masanay ang mga bata," iiling-iling na sabi ni Odie habang nakatingin sa mga laruang binili ni Tazmania—dalawang malalaking robot, dalawang remote-controlled na laruang helicopter, at dalawang baril-barilan. "Lagot ka kina Garfield. Ayaw rin kasi ni Snoopy na binibilhan ng sobrang toys ang kambal."

Nagkibit-balikat si Tazmania. "Minsan lang naman 'to. Hindi kasi ako makapili ng isa lang, kaya binili ko na lang lahat ng nagustuhan ko."

"Para namang malalaro agad nila 'yan. Pang-big boys na 'yang helicopter at baril-barilan, eh. Baka maging bayolente 'yong dalawa," nakalabing reklamo ni Odie. "'Buti na lang talaga, hindi mo agad ipinakita sa kanila ang mga 'yan."

"Gusto ko kasi sila i-surprise bukas. Saka sleeping time na nila kaya hindi ko na inilabas para hindi na nila malaro ngayong gabi."

"Huwag mo nang uulitin 'to, Tazmania. Sa susunod, kung ano lang ang ipapabili, 'yon na lang ang bilhin mo, ha?"

Lumuwang ang pagkakangiti ni Tazmania. Ang cute ni Odie kapag pinapagalitan siya. Gusto niya itong yakapin, pero pinigilan niya ang sarili. "Tulog na ba ang kambal?"

"Oo. Nabusog sa sobrang dami ng pasalubong mong food," natatawang sagot ni Odie.

"Ikaw? Nabusog ka ba sa lasagna mo?"

"Oo naman. Salamat," sabi ni Odie, saka binasa ang resibo na kinuha ng dalaga mula sa mga pinamili ni Tazmania kanina. Pagkatapos ay inilabas nito ang wallet nito.

"Kung binabalak mong bayaran ang mga nagastos ko ngayon, kalimutan mo na," saway ni Tazmania kay Odie. "Hindi ko rin tatanggapin 'yang ibabayad mo."

Kumunot ang noo ni Odie. "Bakit naman?"

"Dahil hindi ko naman pinababayaran ang mga regalo ko sa inyo ng mga bata," katwiran ni Tazmania. "So please, Odie. Maiinsulto ako kapag nagpumilit ka pa."

Bumuga ng hangin si Odie at ibinalik ang pera sa wallet. "Men and their inflated ego."

Tazmania smiled triumphantly. Inilabas niya mula sa ref ang mga beer na inilagay niya kanina roon habang naghahapunan sila nina Odie. Binuksan niya ang isang bote at inabot kay Odie. "Beer?"

"Thanks, Tazmania."

Dinala ni Tazmania si Odie sa balkonahe ng kuwarto niya. Umupo lang sila sa sahig habang nakasandal sa railing. Magandang puwesto iyon dahil malamig doon, at nababantayan pa nila ang kambal na mahimbing pa ang tulog sa kama.

"Galing si Garfield dito kanina," pagbasag ni Odie sa katahimikan.

"Oh. Na-miss na niya ang mga bata?"

"Yep. Nag-Skype pa nga sila para makausap si Snoopy. I saw Snoopy. She looks weak. Alam kong maselan ang pagbubuntis ng hipag ko. Pero hindi ko inasahan na babagsak nang gano'n ang katawan niya," tila malungkot na kuwento ni Odie. "No wonder my brother looks stressed."

"Gano'n siguro talaga. Hangga't hindi pa one hundred percent safe si Snoopy at ang baby, hindi mapapakali si Garfield. Let's just pray for your sister-in-law and the baby."

Niyakap ni Odie ang mga binti, pagkatapos ay tumungga ito ng beer bago nagsalita. "My brother and Snoopy only dated for two years before they decided to get married. Pagkatapos ng kasal, biniyayaan agad sila ng kambal. Their marriage has been so blessed. At sa totoo lang, kinakainggitan ko si Garfield kasi ang suwerte-suwerte niya sa buhay niya."

Humigpit ang pagkakahawak ni Tazmania sa boteng hawak. Ayaw na ayaw niya sa lahat na naririnig ang lungkot at sakit sa boses ni Odie, pero iyon na naman ang nangyayari.

Dumb Ways To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon