NAGULAT si Odie nang abutan siya ni Garfield ng tseke na may malaking halaga na nakapangalan sa kanya. "Para saan 'to?"
"Kailangan mo ng pera para sa pinaplano mong pag-expand ng negosyo mo, 'di ba?" kalmadong tanong ni Garfield pagkatapos humigop ng kape saka maingat na ibinaba ang tasa sa mesa. "Kaya pahihiramin muna kita ng puhunan."
Napatanga si Odie sa kakambal. Nabanggit nga niya rito kagabi na gusto niyang i-expand ang kanyang negosyo, pero hindi pa niya magawa dahil kulang pa ang ipon niya. Halos maubos na kasi ang savings niya sa pagtira sa France nang dalawang taon. Kahit nagtrabaho siya sa isang art museum doon, hindi pa rin biro ang sustentuhan ang sarili niya sa bansang iyon.
Nang dumating si Garfield sa Tee House gayong dapat ay nasa opisina ito, nagtaka na siya. Hindi naman niya akalaing nagpunta roon ang kapatid niya para pautangin siya kahit hindi naman niya hinihiling iyon sa kapatid.
"O? Bakit mukhang nagulat ka?" natatawang tanong ni Garfield.
"Hindi mo naman kailangang gawin 'to, Garfield. Malaking halaga 'tong pinapautang mo sa 'kin. Baka kung ano'ng sabihin ni Snoopy. Saka dapat, nagse-save ka na lang para sa future ng mga anak mo, lalo't nag-aaral na ang kambal..."
Natawa lang lalo si Garfield. "Nasa nursery pa lang ang mga anak ko, Odie. Hindi pa naman milyon ang nagagastos ko sa pagpapaaral sa kanila. Saka walang sasabihin si Snoopy dahil pareho naming desisyon na tulungan ka. And please, I run a company. Hindi ako maba-bankrupt dahil lang sa pinahiram kita ng pera."
"Pero nakakahiya..."
"Sisingilin naman kita kapag lumaki na ang negosyo mo, kaya huwag kang mahiya."
Na-touch talaga si Odie. Mula noon hanggang ngayon, alagang-alaga pa rin siya ni Garfield. Hindi niya ma-imagine kung gaano niya nasaktan ang kapatid dahil sa pagtatangka niya sa sariling buhay noon.
Nang kamamatay pa lang ni Pluto, sinubukan niyang maglaslas ng pulso. Pero nahuli siya ni Garfield at pinigilan sa plano niyang pagpapakamatay. At sa halip na magalit, niyakap lang siya ng kakambal at iniyakan habang nakikiusap sa kanya na huwag na niya uling sasaktan ang sarili.
Ngayon naman, heto si Garfield at nakaalalay pa rin sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng kapatid. Paano nga ba niya naisipang iwan ito noon?
Tumayo si Odie at niyakap si Garfield. "Thank you, Garfield."
Marahang tinapik-tapik ni Garfield ang mga braso niya na nakayakap sa leeg nito. "You're welcome, Odie. Ang gusto ko ay mapirmi ka na dito sa Pilipinas, kaya ayusin mo na lang 'tong negosyo mo at huwag nang magliwaliw uli, okay?"
Natawa lang si Odie, saka bumalik sa kinauupuan niya. "Hindi na uli ako aalis, Garfield. Ayokong ma-miss ang paglaki ng mga pamangkin ko."
Naging seryoso si Garfield. "We'll be turning thirty soon, Odie."
"Argh. Huwag mo nang ipaalala sa 'kin ang edad ko, Garfield."
"Hindi naman 'yon ang gusto kong ipaalala sa 'yo, Odie. We'll be turning thirty, but look at us. May tatlong anak na 'ko—"
"Pero ako, wala pa ni boyfriend?" natatawang sansala ni Odie sa sinasabi ni Garfield. Hindi naman iyon ang unang beses na narinig niya iyon. Sa mommy pa lang nila, quotang-quota na siya. "Garfield, wala pa 'yan sa isip ko."
"It's been three years since he passed away, Odie," maingat na sabi ni Garfield. "Walang masama kung makikipagkilala ka sa mga lalaki."
Natahimik si Odie, pero hindi naman siya nagdamdam sa kakambal. Hindi na siya ganoon ka-sensitive kapag napapag-usapan si Pluto. Matagal na niyang natanggap sa sarili ang pagkawala ng binata. Naipagluksa na niya ito nang mahabang panahon. Hindi niya alam kung sapat na iyon, pero ang mahalaga, nakakaya na niyang mabuhay gaya noon.
Pero hindi naman ibig sabihin ay kailangan na niyang makahanap ng ibang lalaki na ipapalit sa puwesto ni Pluto. Kaya siguro niyang bumalik sa dating siya, pero hindi na yata siya magmamahal uli ng iba. Baka kasi hindi niya matingnan sa mga mata si Pluto kapag nagkita sila sa kabilang-buhay.
Kaya nga nilalabanan niya ang lungkot na nararamdaman niya sa pag-iisa. Hindi niya dapat nararamdaman iyon dahil nangako siyang si Pluto lang ang mamahalin.
"I'll be fine, Garfield. I'm doing well," paniniguro ni Odie.
Bumuntong-hininga ito, mukhang sumusuko na sa planong kumbinsihin siyang makipag-date uli. "Okay, okay."
"Gusto mo ba 'kong magpakasal na? May irereto ka ba sa 'kin?" biro ni Odie.
"Meron sana, pero bukod sa mukhang hindi ka interesado, mukha ring may nahanap na siyang iba," tila nanghihinayang na sabi ni Garfield.
"Sino naman?"
Nagkibit-balikat si Garfield, saka nag-iwas ng tingin. "Tazmania?"
Natigilan si Odie. "Bakit naman siya?"
"I thought he likes you, and he's a good man. Pero dalawang taon na rin ang lumipas, kaya baka naka-move on na siya. He seems to be getting along well with Monique."
Hayun na naman ang bagay na humihila sa puso ni Odie pababa. Pilit niya iyong itinulak sa pinakalikod na bahagi ng kanyang isip. Pilit na ngumiti siya. "Gusto mo pa ng kape?"
BINABASA MO ANG
Dumb Ways To Love
RomanceFor Tazmania, loving Odie was like playing Dumb Ways To Die. One wrong move, and the character will die. Movie producer si Tazmania na ang trabaho lang sana ay gawing pelikula ang love story ni Odie at ng pumanaw nitong fiancé na si Pluto. Naging hi...