Chapter 10

1.2K 42 1
                                    

NAPANSIN ni Tazmania na kanina pa tahimik si Odie. Mula nang magpaalam sila sa mga kaibigan nito, naging matamlay na ang dalaga. Nanatili lang itong nakatingin sa labas ng bintana. Naging napakatahimik tuloy ng kanilang biyahe.

"Puwede mo pa namang makasama uli sa ibang pagkakataon ang mga kaibigan mo. So don't be sad," pagbasag ni Tazmania sa katahimikan.

Matagal bago muling nagsalita si Odie. "Ikakasal na pala sina Stone at Kisa."

"Ah, sinabi na nila sa 'yo?"

Umiling si Odie. "Nakita ko lang 'yong suot na engagement ring ni Kisa." Binalingan siya nito. "Alam mo na pala ang tungkol sa engagement nila."

"Odie, huwag mo sanang masamain kung hindi nila agad sinabi sa 'yo ang tungkol sa pagpapakasal nila," mahinahong sabi ni Tazmania, nag-aalala na baka magtampo si Odie dahil nauna pa niyang nalaman ang tungkol sa engagement ng mga kaibigan ng dalaga kaysa rito.

"Naiintindihan ko naman 'yon," kalmadong sabi ni Odie. "Alam ko namang ayaw lang nila akong saktan kaya hindi pa nila masabi sa 'kin ang tungkol sa pagpapakasal nila. Because you know, Kisa and Stone were dating the same time Pluto and I were. Sila ang kasabayan namin, pero heto sila, matutuloy ang kasal. Hindi gaya ng nangyari sa amin ni Pluto."

"Odie..."

"Don't get me wrong, Tazmania," saway ni Odie. "Masaya ako para kina Stone at Kisa. Magiging masaya ako kung ikakasal sila. At least, matutupad ang pangarap kong kasal sa isa sa malalapit kong kaibigan."

Tumahimik na lang si Tazmania. Alam niyang nasaktan na si Odie kanina dahil sa mga sinabi niya, kaya hindi na niya dadagdagan iyon ngayon.

"Pero hindi ko alam kung kaya kong pumunta sa kasal nina Stone at Kisa," malungkot na pagpapatuloy ni Odie. "Hindi ko kayang pumunta sa mga simbahan nang hindi naaalala ang kasal namin ni Pluto na hindi na matutuloy. Mas lalo yatang hindi ko pa kayang makitang may ikinakasal sa harap ko. Baka kasi magalit na naman ako sa Diyos at tanungin ko Siya kung bakit hindi man lang Niya hinayaang makasal kami ni Pluto kahit sa maikling panahon lang..."

Humigpit ang pagkakahawak ni Tazmania sa manibela. Ang akala niya, maayos na ang pag-uusap nila ni Odie kanina. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit tila nilalamon na naman ito ng kalungkutan ngayon. Ilang free-fall jump pa ba ang kailangan niyang talunin para kahit paano, maging masaya uli ito?

Nakita niya si Odie na ngumiti kanina bago tumalon sa free-jump fall—siniguro ni Tazmania na nakakabit nang maayos ang harness sa katawan ng dalaga—at narinig naman niya itong tumawa nang buhay na buhay nang siya naman ang tumalon.

Bakit hindi, eh, nasuka siya pagkatapos niyang tumalon? Madali kasi siyang malula.

"Matulog ka muna, Odie. Mahaba-haba pa ang biyahe natin," sabi na lang ni Tazmania. Baka umiyak lang uli si Odie kung pag-uusapan uli nila si Pluto. Pagod na siyang makitang umiiyak ito dahil sa parehong dahilan.

Umiling si Odie. "Hindi rin naman ako makakatulog. Iniisip ko kung paano ako makakabawi sa mga kaibigan ko bago ako umalis."

Sumimangot si Tazmania. Bumabalik na naman sa dati si Odie—masyadong malungkot. "Saan ka pupunta?"

"Sinabi ko na sa 'yo noon. May pupuntahan akong malayo."

Nagtagis ang mga bagang ni Tazmania. Alam na alam niya kung ano ang tinutukoy ni Odie. Kung ganoon, may plano pa rin pala itong magpakamatay hanggang ngayon. Ang akala pa naman niya ay napagbago na niya ang isip ng dalaga. "Hindi mo ba mami-miss ang mga kaibigan mo kung pupunta ka sa malayo?"

Ngumiti si Odie, pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. "Gaya ng sinabi mo, malalakas ang mga kaibigan ko. Ako lang naman itong mahina sa amin."

"Puwede ka namang maging malakas, Odie."

Umiling si Odie, saka tumingin sa labas ng bintana. "I'll definitely miss my friends. Pero kahit umalis ako, alam kong hindi hihinto ang mundo nila. Hindi ako mag-aalala na baka maiwan ko silang malungkot. Makakaya nila kahit wala ako."

Bumuga ng hangin si Tazmania. "Odie... losing a loved one is supposed to make you strong."

Natawa nang mapait si Odie. "Oh, I thought losing a person is life playing a bad joke on you. Because losing Pluto was a very sick joke. Siguro nga nag-aalala na sa 'kin 'yon, eh. Kasi alam niyang mahina ako..."

Tazmania bit his tongue. Hinayaan lang niya si Odie na magsalita nang magsalita, dahil alam niyang makakagaan iyon sa kalooban nito.

"Alam mo bang nakipaghiwalay sa 'kin si Pluto nang nalaman niyang may leukemia siya?" tanong ni Odie na mukhang hindi naghihintay ng sagot dahil nagsalita rin agad ito. "Sa sobrang sama ng loob ko no'n, sinubsob ko ang sarili sa trabaho. Pero hindi ko naman naalagaan ang sarili ko. Sa katunayan nga niyan, naospital pa 'ko no'n dahil sa food poison. Hindi ko napansin na expired na pala 'yong kinain kong tinapay." Natawa ito, pero wala iyong buhay. "You see, I'm a mess without Pluto. Alam niya 'yon. Kaya nga nang malaman niya ang nangyari sa 'kin, dinalaw niya 'ko sa ospital. Ipinagtapat niya sa 'kin ang tungkol sa sakit niya. Ang sabi niya, ayaw sana niyang sabihin sa 'kin ang tungkol sa sakit niya dahil alam daw niya na hindi ko kakayanin. Dahil alam ng lahat na mahina ako.

"Pero sa unang pagkakataon sa buhay ko, kahit natatakot ako, pinili kong maging matapang nang magdesisyon akong manatili sa tabi niya kahit alam kong puwede rin siyang mawala sa 'kin. Naniwala kasi ako na mabubuhay siya. Ang sabi ng mga doktor, bumubuti na ang lagay ni Pluto. Kaya nga pinlano na namin ang kasal namin.

"But his health suddenly deteriorated. And then in just a snap, he was gone. My world ended right before my very eyes..."

Hindi pasensiyosong tao si Tazmania. Kaya hindi niya alam kung bakit nang mga sandaling iyon, hindi pa rin niya magawang sukuan si Odie. Halata namang mahina ito at walang kusa na labanan ang kalungkutang nararamdaman. Sa halip, wala siyang ibang ginawa kundi ang tahimik na makinig sa dalaga, at iparamdam na nasa tabi lang siya nito.

Odie was the kind of woman he should have ignored, but he knew he couldn't give her up because she was someone worth caring for. That was probably the reason she was special to him. Dahil si Odie lang ang babaeng hinding-hindi papayagang mamatay ni Tazmania, kahit ano pa ang maging kapalit.

Dumb Ways To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon