SEASON 2: HER "SECOND CHANCE" GUY
***
NARAMDAMAN ni Odie ang marahang pagyugyog sa kanyang mga balikat. Nang imulat niya ang mga mata niya, sumalubong sa kanya ang nakakunot-noong si Garfield. Nginitian niya ang kakambal. "Hello, twin brother. Na-miss kita."
"Oh, God, Odie! Bakit natulog ka dito sa labas ng bahay?" hindi makapaniwalang tanong ni Garfield, saka siya tinulungang tumayo.
Pinagpag naman ni Odie ang mga dumikit na damo sa kanyang katawan. Bigla siyang nakaramdam ng pangangati. "Hindi ko alam na umalis pala kayo. I've lost my keys. Nakaakyat ako sa gate, pero hindi ko naman mabuksan 'tong bahay. Kaya dito na lang ako natulog sa labas."
"Sana tinawagan mo 'ko!"
Tinawanan lang iyon ni Odie. "Alam ko namang fifth anniversary n'yo ni Snoopy kagabi, kaya ayokong makaistorbo." Lumagpas ang tingin niya sa kapatid, at nginitian ang hipag na kabababa lang ng sasakyan. "Hi, Snoopy."
Halatang nagulat si Snoopy nang makita siya, pero lumapit din agad ito sa kanya at niyakap siya. "Odie! I've missed you!"
Natawa uli si Odie. "'Buti pa ang sister-in-law ko, na-miss ako. Hetong kakambal ko, sinermunan lang ako. Hindi yata masaya na makita ako."
"Hindi totoo 'yan," kontra naman ni Garfield, saka siya niyakap nang mahigpit. "I've missed you, baby sister."
Pabirong kinurot ni Odie sa tagiliran si Garfield. "Baby sister ka diyan. Sabay lang tayong ipinanganak, 'no."
"Nauna ako nang one minute, sabi ni Mommy."
Ngumiti lang si Odie habang iiling-iling. Hindi na nagbago 'tong si Garfield. Hanggang ngayon, hindi papatalo sa argumento nila. "Nasaan nga pala ang mga bata?"
"Na kina Mommy. Iniwan muna namin do'n kagabi," sagot ni Snoopy. "Actually, susunduin nga namin sila ngayon. Magpapahinga lang muna sana kami ni Garfield."
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Odie sa mag-asawa, saka siya napangisi. "Wow. Nag-second honeymoon siguro kayo kaya iniwan n'yo ang mga bata kay Mommy. Saan kayo nagpunta?"
Namula ang mukha ni Snoopy, pero ngumiti ito nang pilya at kumindat pa. "Sa Palawan. It was amazing. If you know what I mean."
Sa pagkakataong iyon ay si Garfield naman ang namula at halatang nahiya bigla, dahilan para matawa sina Odie at Snoopy.
Tumikhim si Garfield. "Pumasok na nga muna tayo sa loob bago magkuwentuhan."
Dala ni Garfield ang mga maleta, samantalang magkaangkala naman ang mga braso nina Odie at Snoopy habang nagkukuwentuhan sila. Natuloy ang kuwentuhan nila habang nagkakape sa kusina.
"Ang tagal mong nawala ha," komento ni Snoopy. "Mukhang nag-enjoy ka nang husto sa Paris at nag-stay ka do'n nang two years."
Ngumiti si Odie. "Paris was amazing. Pero iba pa rin ang 'Pinas. Nakaka-homesick din pala. Ang traffic lang talaga ang hindi ko na-miss dito sa 'tin."
Dalawang taong nanatili si Odie sa Paris, France. Kumuha siya ng short course doon sa pagpipinta para i-refresh ang kanyang sarili. Kahit kasi graduate siya ng Fine Arts, nag-focus naman siya sa pagde-design ng T-shirts para sa negosyong itinayo niya. Kaya noong nasa Paris siya, in-enjoy naman niya ang pagpipinta.
Pero kahit nasa ibang bansa ay patuloy pa rin ang pagpapatakbo niya sa Tee House. Si Daisy ang ginawa niyang operating manager, at nagre-report ito sa kanya linggo-linggo. Samantalang si Sylvester naman ang bagong designer ng T-shirts nila. Pero ipinapakita pa rin ng binata sa kanya ang mga design nito para sa approval. Nag-uusap-usap silang tatlo sa Skype parati.
BINABASA MO ANG
Dumb Ways To Love
RomanceFor Tazmania, loving Odie was like playing Dumb Ways To Die. One wrong move, and the character will die. Movie producer si Tazmania na ang trabaho lang sana ay gawing pelikula ang love story ni Odie at ng pumanaw nitong fiancé na si Pluto. Naging hi...