LUMAGPAS kay Tazmania ang tingin ni Odie. Sa panlalaki pa lang ng mga mata ng dalaga, alam na niya kung sino ang nakikita nito nang mga sandaling iyon.
Pumihit paharap si Tazmania. Nakita niyang palapit sa kanila ni Odie si Oreo, kasama sina Kisa, Stone, Snap at Cloudie. Hindi niya personal na kilala ang mga ito, pero sikat na personalidad ang apat kaya pamilyar siya. Naka-shades at nakasuot ng cap ang mga ito na nakababa nang husto ang visor sa mukha, kaya hindi pa napapansin ng mga tao ang apat.
"Hello, Odie!" masiglang bati ni Kisa sa dalaga. Si Kisa ay kilalang artista sa showbiz ngayon. Parati itong bida sa comedy films na pino-produce ng kompanya ni Tazmania noong ang ama pa niya ang namamahala niyon. Kaya hindi nakapagtatakang binati rin siya ng babae. "Hello, Sir Tazmania."
Tumango si Tazmania bilang pagbati. "It's good to see you again, Kisa."
Nagsunod-sunod na ang batian, lahat ay nakangiti kay Odie. Her friends seemed genuinely happy to see her.
Pero hindi ganoon si Odie. She looked horrified. Pagkatapos ay binalingan nito si Tazmania na may buong galit sa mga mata. "Tazmanian Devlin Fortunate."
Napalunok si Tazmania, na ngayon lang yata niya ginawa sa harap ng isang babaeng hanggang balikat lang niya ang taas, payat at mukhang hindi makabasag-pinggan. Funny how she still scared the shit out of him with just a glare. "Odie—" Hindi na siya pinatapos ni Odie sa paliwanag niya dahil dumapo na ang kamay nito sa kanyang pisngi. Narinig niyang napasinghap ang mga babaeng kaibigan ni Odie. Awtomatikong napahawak siya sa nasaktang pisngi. Hindi siya sanay na sinasaktan, kaya hindi niya napigilang tapunan ng masamang tingin ang dalaga. "That. Fucking. Hurts."
"Taz," saway ni Oreo kay Tazmania na hindi niya pinansin.
"I hate you," puno ng pait na sabi ni Odie kay Tazmania, bago tumakbo palayo.
"Shit!" inis na bulalas ni Tazmania, saka sinabunutan ang sarili. He had never felt so frustrated with a woman before. "Damn that woman! Kung sumampal akala mo wala nang bukas!"
"Hindi ba alam ni Odie na pupunta kami?" kunot-noong tanong ni Cloudie.
Umiling si Tazmania. "It was supposed to be a surprise."
Sumimangot si Cloudie. "Akala ko pa naman, ready na si Odie na makita kami. Hindi mo siya dapat pinangunahan. Handsome men are really insensitive jerks most of the time."
"Ouch," sabay-sabay na sabi nina Tazmania, Stone, Snap at Oreo.
Napabuntong-hininga si Cloudie, saka nagtago sa likuran ni Kisa. "I hate handsome men."
"I hate that I'm handsome," pabulong na sabi naman ni Snap.
Napailing na lang si Tazmania sa mga kaibigan ni Odie. Hindi siya mapakali na wala sa paningin niya si Odie dahil baka maisipan na ng babaeng iyon na tumalon kung saan. "Wait a sec, guys. Hahanapin ko lang si Odie."
Tumakbo siya habang inililibot ang paningin. Mabilis naman niyang nakita si Odie na palabas na ng adventure camp. Mukhang galit talaga ito base lang sa mabibigat na yabag ng dalaga.
"Hey, wait up," pigil niya kay Odie, saka ito hinawakan sa braso at marahang pinihit paharap sa kanya. Akmang magsasalita ang dalaga nang unahan niya ito. "O, kung may balak kang sampalin uli ako, sa kanang pinsan na lang. Masakit pa 'yong kaliwa."
Kumunot ang noo ni Odie, saka binawi ang braso. "Ano ba'ng problema mo, Tazmania? Bakit dinala mo rito ang mga kaibigan ko?"
"Well, gusto ko lang magpasalamat sa pagpapatira mo sa 'kin sa Tee House, so I thought I could return the favor if I set up a mini-reunion for you and your close friends," pagsisinungaling ni Tazmania.
"Bakit?"
Sa pagkakataong iyon, wala nang maisip na palusot si Tazmania kaya nagsabi na lang siya ng totoo. A little of bit of the truth, at least. "You need your friends, Odie. Kahit hindi mo ipahalata, alam kong nahihirapan ka nang mag-isa. Kaya pinangunahan na kita at dinala sa 'yo ang mga kaibigan mo."
Gumuhit ang galit sa mga mata ni Odie, pagkatapos ay napalitan ng sakit, at huli, takot. Hindi alam ni Tazmania kung para saan ang mga emosyon na 'yon. "Bakit mo 'to ginagawa, Tazmania? Ano ba'ng pakialam mo sa buhay ko?"
Hindi nakasagot si Tazmania. Kahit siya mismo, hindi alam kung bakit nga ba masyado na siyang nanghihimasok sa buhay ni Odie.
He had chosen solitude a long time ago. Tinanggap na niyang magiging mag-isa siya habang-buhay dahil ayaw niyang matulad lang ang buhay niya sa mga magulang niya kung sakaling magpamilya. Ayaw niyang dagdagan ang mga batang nagmula sa sirang pamilya.
And he was now ready to admit that he was afraid to love and to care for someone else more than he did for himself.
Iyon ang dahilan kung bakit wala siyang sineryoso sa mga nakarelasyon niya noon. He had never let any woman see beyond his surface. He had never tried to see beyond what a woman chose to show him of herself. Dahil ayaw niya ng malalim na ugnayan sa kahit sino.
But his principles suddenly flew out the window when he met Odie. He broke his very own rule about women when he started caring for this woman who wanted herself dead. And he had no fucking idea why.
Fuck this shit!
"Odie?"
Nakahinga nang maluwag si Tazmania sa dumating at bumasag sa tensiyon sa pagitan nila ni Odie kanina. Pero hindi niya inaasahan na sa pagpihit niya paharap, ang napakagandang modelo na si Monique ang sasalubong sa kanya. Hindi ito kasabay nila Oreo kaya akala niya, hindi na ito makakarating. Nagulat siya nang makitang may kargang baby si Monique.
"Mon-mon? Kaninong anak 'yang bata?" gulat na tanong ni Odie sa kaibigan.
Ngumiti si Monique, namumula ang magkabilang pisngi dahil siguro sa init ng araw. "This is my daughter, Odie."
Halatang nagulat si Odie at hindi na nakapagsalita.
"Hindi yata nabalita ang tungkol sa pagbubuntis at panganganak mo, Monique," hindi napigilang komento ni Tazmania dahil maging siya ay nagulat. Magkakilala naman sila ni Monique kaya sana hindi isipin ng dalaga na masyado siyang "feeling close."
Nakangiting binalingan siya ni Monique. "Oh, hi, Tazmania." Maingat na inayos nito ang baby sa mga bisig nito. "Uh, yeah, I kinda kept my pregnancy under wraps. Medyo komplikado kasi ang sitwasyon."
"Komplikado?" tanong ni Odie. "Ano ba'ng nangyari, Mon-mon?"
Ngumiti nang malungkot si Monique. "Ashton left me when he found out I was pregnant."
Nagulat si Tazmania, at naikuyom ang mga kamay. Nakita niya bigla ang sarili niya sa lalaking nakabuntis at nang-iwan kay Monique. Kung siya rin siguro ang nasa lugar ng gagong iyon, tatakbo rin siya sa responsibilidad. Dahil malaking gago rin siya.
Alam niya na kailangan na niyang umalis para bigyan ng pribadong oras ang magkaibigan. Pero nang tingnan niya si Odie na parang iiyak at gustong tumakbo, nagdesisyon siyang manatili roon dahil mukhang kailangan siya nito.
Binigyan ni Tazmania ng marahang tapik si Odie sa likod. Nang lingunin siya ng dalaga, binigyan niya ito ng tango. Pagkatapos ay nawala na ang takot sa mga mata nito at muli nang hinarap si Monique.
"Bakit... bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" tila nag-aalangan pang tanong ni Odie.
Nagkibit-balikat si Monique, nakangiti pa rin. "Pluto had just passed away when I found out I was pregnant. Ayokong makadagdag sa problema mo, kaya sinarili ko na lang. And you suddenly went MIA," biro pa ng dalaga.
Nangilid ang mga luha ni Odie. Nang magsalita ito, basag na ang boses. "Oh, my God. I'm so sorry I wasn't there for you when you needed me, Mon-mon."
"Sshh. No need to apologize, Odie. Naiintindihan kita."
Napahikbi si Odie, pagkatapos ay niyakap si Monique, pero mukhang iningatan naman nito na hindi maipit ang baby. Pagkatapos ay nag-iyakan ang magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Dumb Ways To Love
RomanceFor Tazmania, loving Odie was like playing Dumb Ways To Die. One wrong move, and the character will die. Movie producer si Tazmania na ang trabaho lang sana ay gawing pelikula ang love story ni Odie at ng pumanaw nitong fiancé na si Pluto. Naging hi...