PITF Chapter 1

49 3 2
                                    

╰ Aeryn ╮

"Aeryn Braile! "

Napatayo ako sa sigaw na nagmula sa harapan ko. Ano ba naman itong si Casey.

"Bakit ba? " Irita kong sabi habang naguunat.

"Bakit? Girl, kanina ka pa tulala. Duh" inirapan niya ako. Ang kapal ng mukha?

"Ano ba kasi yang iniisip mo? Biglang nagliwanag ang kanyang mukha at naging excited ang boses. What's the matter with her?

"Yung kanina yan no? " humalakhak siya kaya tinitigan ko siya ng masama.

Dumating na ang inorder naming pagkain kaya natigilan siya saglit. Napatingin siya sakin at tumawa ulit.

"What is your freaking problem? " gosh! She's crazy. Reallyyyy.

"Yung nakabungo mo kanina! Ang gwapo niya no? Hahaha" Sabi ko na eh.

Muli akong natulala at bumalik ang mga pangyayari kanina. Late na kasi ako kaya tumatakbo ako at halos magkanda bunggo-bunggo hanggang sa ako na mismo ang tumilapon. Nabunggo ko kasi yung lalaking matangkad kanina. Agad-agad kong dinampot ang mga gamit ko at natulala noong iniangat ko ang aking paningin. Pagpalain ang mga mata ko!

Nakita ko ang lalaking abala sa pagdampot ng gamit na nalaglag ko maputi, kulay light brown ang mata at ang pulang-pulang labi niya. Kamukha niya si Cole Sprouse for Pete's sake! Shet. Napakagat ako ng labi. Nalalaglag na naman panty ko pag naaalala ko iyon.

"You're blushing Ae, first time ata iyan " Ani Casey habang kinakain yung pizza.

"You know what, I'll give you tips para mapansin ka niya" Sabay tawa niya na parang nagwagi sa lotto. Paki paalala naman kung paano kami naging magkaibigan kasi hindi ko talaga maalala!

"Ano game ka ba? "

Hindi ko talaga alam. Crush ko lang! Hindi naman ako naghahangad ng iba.

"Una, Ae pakilala ka " biglang sumeryoso ang mukha niya. Inirapan ko lang siya ngunit kumunot ang kanyang noo. Is she a monster?

"Okay, okay! I'll give it a try" Gusto ko rin siyang makilala. Siya pa lang ata ang hinangaan ko ng ganito.

Pakagat na ako sa pizza na binili namin nang biglang hinampas-hampas ni Casey ang lamesa. Napaka eskandaloso naman neto!

"Ae! Ayan siya bilisan mo magpakilala ka! " Juskoo. Ano 'to? Hindi ko namalayan na tinutulak na ako ni Casey. Kinakaladkad niya ko at hindi ko namalayan na may bato pala sa harap ko. What now Aeryn?

"Ay palaka! "
Nakadapa ako sa harap niya. Tanging paa niya lang ang nakikita ko. This is so embarrassing!

"H-hi, I-I'm Aeryn" gooooooosh? Nagawa ko pang magpakilala?

Nakaupo silang magkakaibigan sa bench at naririnig ko ang tawa nila.
Tinulungan niya akong makatayo atsaka pinulot ang bag ko.

"Haha. Nice meeting you, Aeryl, Travis Ryle Mendoza " O. M. G.

"It's Aeryn. Anyways, n-nice meeting y-you" Holeh moleh. Bakit ka nauutal?

Agad akong tumalikod at tumakbo kay Casey. Nag-ingat na ako dahil baka madapa ako ulit tsaka ko siya binatukan.

"Aray Ae! Wag ka mag-alala. The end justifies the means. Napansin ka na niya. Aeryl nga lang tawag sayo." Tsaka siya tumawa ng mahina.

"Damn you! " paalis na ako ngunit hinila niya ako sa kabilang direksyon.

"Dito tayo, Ae. Nawala ka na sa katinuan"

Sa tinagal-tagal ko na dito sa school, ngayon ko pa lang siya nakita. Siguro transferee? Kinuha ko ang phone ko at naisipang isearch ang pangalan niya sa facebook. Nakita ko ang pamilyar na mukha na kasama sa display photo niya. Blonde ito at may pagkakulot ang buhok gwapo rin siya at magkamukha sila ni Travis. Shox. Siya yung kasama ni Travis kanina. Hindi ako nagdalawang isip at pinindot ko agad ang friend request.

"WHAT?! " hindi ko na napigilang mapasigaw.

"Why? " tanong ni Casey na nakakulot ang noo.

"Look, puno na friendlist niya! " may halong panghihinayang kong sabi. Paano ko siya maii-stalk nang maayos niyan? Dibale na nga.

"Ganyan talaga pag-gwapo Ae. Wag ka ng magtaka. HAHAHA" nakakainis!

Sinave ko na ang ibang photos niya sayang naman. Sinusundan ko lang si Casey dahil magkaklase naman kami. Nakita ko ang isang picture na ikinagulat ng buong sistema ko!
Topless picture ni Travis, kitang-kita ang kurba ng kanyang abs habang nakasideview ang kanyang mukha. OMYGHAD. Nagkakasala ako!

Pumasok si Casey sa isang pintuan hudyat na andito na kami sa room.

"Casey! Look may abs si Travi- TRAVIS?! "

Past In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon