PITF Chapter 7

15 1 1
                                    

Nagkukwentuhan kaming lahat at
si Nicole na lang ang inaantay naming matapos. Ayan kase! Ang harot-harot kay Travis. Lintek!

Sabay-sabay kaming bumalik sa school. Nakadikit pa rin ang maarteng si Nicole kay Travis. I freaking swear! One wrong move and goodbye to your hair.

Natawa ako sa iniisip ko.

"Why are you laughing? " ani Casey

"Wala" sagot ko nang natatawa pa rin

May biglang dumantay sa balikat ko kaya napalingon ako. It was Myson.

"No wonder why Troye is comfortable with you " pabulong iyon ngunit malinaw sa kin.

"Ha? Bakit naman? " tanong ko ngunit binalewala niya ito. Dumiretso siya ng pagkakatayo at nagkibit-balikat. Why? Bakit kumportable si Troye sa akin? We're not even that 'close'. Hindi ko na lang pinansin at sumabay na sa kanila.

Bumalik sila sa pagkakaupo sa harap ng stage at hinintay magsimula ang announcement. Pumwesto na rin kami ni Casey sa likod ng table nila. Nagulat ako nang may nakain akong kung anong itim nilingon ko kung saan nanggaling 'yon.

WTF?

"oopps, sorry hihi "

Sinamaan ko ng tingin si Nicole na inayos ang kaniyang buhok. Namumuro na siya! Ipakain daw ba yung buhok niya?! Sumusobra na to ah. Bumuntong hininga ako para pigilan ang galit. Damn!

"Attention, students handa na ba kayong malaman ang napili ng ating boys? " sigaw ng MC

"Shit! Oo! "

"Siguraduhin niyong magaling sumayaw yan gago HAHAHAHA " sabi ng nasa likod ko.

Napatawa rin kami ni Casey. Hindi ako umaasa. Sa sinabi ni Troye kanina? Lumipad na yung pag-asa ko at iniwan ako.

"Ehem. " pagsisimula ni Myson.

"We'll pick 3 boys and 2 girls gaya ng napag-usapan so.... " ibinigay niya ang mic kay Troye

"Congratulations Maximus Reallejo, Nicholas Rieval and Martin Constantino" nagtilian ang mga babae nakita kong umakyat ang tatlo sa stage damn! Ano bang meron ang HighDown at anggwapo ng tao rito? At dadagdagan pa?!

"Girl! Siya yung kaklase ko! Si Maximus? Gago gwapo yan sobra! "

"Shit! shit! shit! Loyal ako kay Travis! "

"Congratulations babies! "

Marami pa ang naririnig ko ngunit ang nagawa ko na lang ay matunganga sa kagwapuhan ng walo sa harapan. Kung ilalarawan? Lahat sila gwapo nagkakaiba nga lang sa buhok, kilay at kulay. Hindi ko pa sila kilala ngunit sobrang gwapo talaga! Paniguradong madadagdagan ang fans nila rito sa school. Natahimik ang gym pagkatapos. Seryoso ang lahat na pinapakinggan kung sino ang masuwerteng babaeng makakasama ang walong ito. Well except me? Alam ko naman na hindi ako mapipili.

"For the girls... " ibinigay naman ni Troye kay Travis ang mic.

Damn!

Nagsimula siyang magsalita.
Yung boses niya anlamig na nakakapagpataas ng balahibo.

"Congratulations, Nicole Hernandez and... " napatigil siya habang ako ay nanlalaki ang mata. Just.... Great!? Nicole? Eh? Anong ginawa niyan sa stage huh?

"Aeryn Braile " niyugyog ako ni Casey omygosh! Napanganga ako. Seriously? Unti-unti ang paglakad ko paakyat na parang nililipad ang paa ko. Sht Troye! Anong sinasabi niya kanina- napangiti ako nang mapagtanto.

"Alam ko na " bahagya akong umiling at tumawa.

"Congratulations! " sigaw nila at lahad ng kamay. Nakita ko si Troye na ngumisi. Idiot!

Past In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon