Kasalukuyan kaming nakapila sa sinehan. Ito raw ang una naming gagawin. Namimili kami ng panonoorin at nilingon ko si Travis na nakatingala sa mga movies. Sa kanyang itsura ay nadedepina ang jawline niya shit. Stop, Aeryn.
"What do you want? " aniya
"The Fault in our Stars na lang " sabi ko
"Osige, Jigsaw na lang" dagdag niya
WHAT?
"Ano ba talaga? Nagtatanong ka tapos arg. " inirapan ko siya
"Tinanong lang kita kung anong gusto mo 'di ko naman sinabing panonoorin natin yun. Come on tayo na susunod " aniya at pumuntang counter
"Hi, miss " aniya sa malambing name boses. This Mendoza! Such a flirt!
"Hi Sir ano pong sainyo? " sagot ng babaeng mangha sa mukha ng kasama ko. Huh!
"Jigsaw II miss. Dalawa " may kung ano-ano pa siyang sinabi na hindi ko na nasundan dahil nakakita na ako ng popcorn. My fave!
"Ay sir may kasama pala kayo " sabi ng babae. Ay hindi miss! Palibhasa kasi kay Travis ka lang nakatingin!
Bumili kami ng popcorn at nagtaka si Travis nang kalabitin ko siya.
"Buy two for me. Please? " nagpacute ako
"Wt- okay okay don't give me that face " ngumiwi muna siya bago nagpadagdag ng order.
Nagsimula kaming pumasok sa sinehan. Sa gitna ang upuan namin madilim at ilaw lang galing sa screen ang natatanaw ko.
"Tomorrow, I'll fetch you " sabi niya habang papaupo kami
"Huh? Bakit? " inosente kong tanong
"You'll see " aniya at nilantakan ang popcorn. Ilang sandali lang ay nagsimula na ang movie.
"Ang... Takaw mo " aniya, natatawa.
"You don't care. This is my favorite, Travis " inirapan ko siya
"Popcorn or me? " dagdag niyang natatawa pa rin
"What the hell? Just eat asshole! " hinampas ko ang braso niya.
Bayolente ang naging reaksyon ng mga tao nang nagsimula ang nakakadiring parte ng palabas.
"What a taste, Mendoza " sabi kong nangingiwi dahil sa madugong paghataw ng karakter sa ulo ng bida dahilan para sumirit ang dugo nito sa ulo.
"Oh... " aniyang hindi ako tinitingnan dahil sa patuloy na pagsirit ng dugo. Can someone please remind me why I go on a date with this guy?
"Ew! " napasigaw ako at napatakip sa aking mata
Nang kumalma na ang pangyayari ay sumandal ako sa upuan. Nakatakip pa rin ang mga mata nang biglang may kamay na nagbaba nito sa hita ko at pinagkulong ang aming mga daliri. Napatalon ako nang bahagya sa ginawa ni Travis. Smooth!
"Watch the movie not for the blood shits but for the lessons, Ae. " tinitigan niya ako. Mata sa mata. Tsaka siya tumawa. I can't take it, nag-iwas ako ng tingin. Tumango na lang ako.
Natapos ang movie na ganoon ang mga kamay namin. Tama nga si Travis, maganda ang mensahe ng movie. Binitawan niya lang ang kamay ko nang palabas na kami ng sinehan.
"What's next? " tanong ko
Nagulat ako nang hawakan niya ako sa bewang. Shit. Nag-iinit na ang pisngi ko!
"Don't be surprised. Pag nakipagdate ka sa mga lalaki, hindi malayong gawin nila ito sayo " aniya na parang eksperto sa ganitong bagay.
"Pero... Ewan ko kung mangyayari pa iyon " bulong niya na naging malabo.
"Ha? " sabi ko
BINABASA MO ANG
Past In The Future
Teen FictionSa unang araw ng klase ay hindi inakala ni Aeryn na makikilala niya ang lalaking hahangaan at kaiinisan niya. Perfect man na e, masungit nga lang at may nakakainis na attitude. Pwede ba 'yon? Kainisan at gustuhin pareho? O una pa lang gusto mo na ta...