PITF Chapter 4

17 2 0
                                    

"Okay na ba siya? " nagising ako sa boses na narinig ko.

"T-troye " iyon na lamang ang nabanggit ko

"Ae! Okay ka na ba? " napadaing ako nang iyug-yog niya ang balikat ko.

"Okay na sana ako kung di mo ako nilamog Troye" inirapan ko siya at muli akong umayos ng pagkakaupo.

"Sorry pala sa kapatid ko. Malamang na turn-off ka na dun." ani Troye kita ko ang pag-aalala sa mukha niya kasabay ng pagkagat niya ng ibabang labi at may pinipigilang reaksyon.

"What's the matter? " bunga ng kuryosidad ay napatanong ako 

"Mabait naman si Travis. Hindi niya rin gusto ang nangyari sayo" lumungkot ang mukha ni Troye. Gusto kong matawa sa reaksyon niya ngunit seryoso ang aura niya ngayon.

"Kaya pala mas nag-aalala siya sa kotse niya. I see." Naiinis na naman ako sa mga sinabi ni Travis. Oo! Crush ko siya pero nakakagigil yung ugali. Alam mo yung gusto mo siya at naiinis ka at the same time?

"Nga pala, goodluck sa date niyo. That's a perfect punishment for him. Date the girl he hates pero no choice siya" sabay halakhak ni Troye. Sinapak ko ang balikat niya pero hindi gaanong malakas dahil mahina pa ang katawan ko. Hinatiran niya rin ako ng pagkain at binantayan ako saglit. Madaldal siya kaya hindi awkward ang pagsasama namin kanina kaso kailangan niya ng umuwi kaya pinahatid ko siya kay Casey.

Kinausap namin ang doctor at pinayagan na akong sa bahay na lang magpagaling. Kasalukuyan akong nasa kwarto ko. Alas dose na ngayon at pinauwi ko muna si Casey para makapagbihis dahil aalagaan niya raw ako.
Pinipilit kong makatulog nang may maingay akong narinig sa labas. Akala ko ay titigil iyon ngunit nagkamali ako. Parang truck. This time? Lumabas ako para makita kung ano yun.

Sa gulat ko ay marahas kong nasarado ang pinto namin. What the actual fuck?

Nakita ko ang pagbaba ng maleta ni Troye at ang nakaearphones na si Travis. I'm dreaming right? This is not true!
Bakit sa dami ng pwedeng lipatan, sa tabi pa ng bahay ko?

Siguro ay mananahimik ako at kahit imposible, kailangan di nila malaman na dito bahay ko. Paniguradong mangungulit nang mangungulit si Troye what to do?

Nakatulog ako kakaisip at agad kinwento ang nangyari kay Casey kinaumagahan. Pangalawang araw ko ng hindi pumapasok dahil sa kondisyon ko. Great right?

"So you mean, kapit-bahay mo sila? " nanlaki ang mga mata niya sa binalita ko.

"Yeah " tipid kong sagot

"Pag nagdate kayo sabay na kayong uuwi! " ani Casey sa excited na boses.

"What? No! Ayoko nga magugulo lang buhay ko pag nalaman nilang dito ako nakatira " panigurado yan.

"Baliw ka ba? Imposibleng hindi nila malaman yan dude. " Ani Casey

"Anong gagawin ko? " wala sa sarili kong tanong

"Just don't hide it, Ae. Hindi sa tipong ipagsisigawan mong kapit-bahay mo ang heartthrobs ng school pero hayaan mo lang " sagot niya

"Nga pala anong balak mo sa date niyo? " nagliwanag ang mga mata niya

"Hmm wala pa "
Sa totoo lang, wala pa akong naiisip para sa two weeks.

"Ano ba yan?! Pagplanuhan mo na dapat sulit yan! " at nag-titi-tili siya.

"Oo na chill ka lang mas excited ka pa sa akin eh " inirapan ko siya.

Maya-maya ay kumuha ako ng notebook at ballpen para paagplanuhan ang dapat mangyari.

"Dapat gabi yung dates yun yung maganda " ani Casey na para bang eksperto sa ganitong bagay.

Pinindot ko ang dulo ng ballpen to nagsimulang magsulat. Tutal ay Wednesday ngayon, I think Friday yung first date. Napangiwi ako sa naisip ko. It's not even a real date.
Ididate ko ba siya dahil gusto kong mainis siya o dahil gusto ko rin? Siguro pareho?

Umiling ako para maalis ang mga iniisip ko at sinimulang magsulat.
Puro malls ang naiisip to kaya ang hirap magdecide.

"Casey saan magandang magdate? " I need help jusko

"Uhm, tutal mainit naman magbeach kayo. Sa Bolinao" at pumalakpak siya.

"Seryoso? " kumunot ang noo ko at nagtaas siya ng kilay.

"Oo Aeryn. Maganda dun promise "

"Okay ilalagay ko yan pero dapat sa weekends "

"Oo malamang" aniya

Hmm. Siguro sa mall muna sa Friday. Alley mall na lang or Sm. This is so hard!

Second, Cloud 9 sa Antipolo. Maganda raw doon sabi ng mga kaklase ko 

Shit. Siguro ililista ko na lang yung mga lugar tapos bahala na kami mag decide kung kailan.

Hapon na nang matapos akong magplano. Shit bat ba ang hirap neto?
Tumayo ako para kumain at nakita ko si Casey na tulog. Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong napuyat siya dahil sakin.

Kukuha na ako ng pagkain nang may marecieve akong text.

"If you're planning for our date, make sure I'm available that time. I'm a busy person. "

"Travis? " siya lang naman ang  kasunduan ko tungkol sa date kaya malamang siya to.

"Yeah. "

"How did you get my number? "

"Kuya"
Naalala ko na sabi ni Troye ay ibibigay niya ang number ko kay Travis. Sinend ko kay Travis ang nagawa kong listahan para sa date namin. Syempre siya ang magddrive kaya kailangan aware siya. Ilang minuto ay nakatanggap na ako ng reply 

"Wtf? "

"Why? "

"I'm gonna spend my week on this date too! Damn. Wala ka bang ibang alam na lugar kundi mall? "

"Wala akong maisip! "

"It's not about you only. Ako rin. Let me decide ako pa rin ang lalaki. Pareho tayong gagala dyan kahit fake. "

"Anong gagawin ko? "

Tangina ni Travis. Hindi ako makasandok ng kanin eh!

"I'll decide on the seven places and you'll decide on the other half. Deal? "

It's not a bad idea, I guess?

"Sige. "
Matapos kong isend yun ay hindi na siya nagreply. Really huh?

Nagulat ako dahil nagreply siya after 1 hour.

"As much as possible ay no, we should to keep this private. Ayokong makita ako ng mga kakilala natin"

Umirap ako at hindi na nagreply. Ayaw niya talagang makita ako huh. Okay.

Nagvibrate ang phone ko at nagflash ang number ni Troye doon.

"Papasok ka na bukas? "

Agad akong magreply

"I don't know "

Hindi ko pa rin alam. Okay na naman ako kaso mahirap na mabinat.

"Pasok ka na, may mga different clubs na. Baka maubusan ka ng slot "

Whoa. May registration na pala. I should join then.

"Okay, thanks. "

Matapos yon ay pinauwi ko na si Casey dahil okay na naman ang pakiramdam ko at kailangan niyang umuwi dahil papasok na kami bukas.
Pinikit ko ang mata ko hanggang sa makatulog. It's a tiring day tho.

Past In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon