Hindi ako makapag concentrate buong klase paano ba naman kaklase ko sila! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Nasa kalagitnaan ako ng pagtanggap ng mga pangyayari nang tumabi si Casey kina Travis. What the actual fuck.
"Huy ano ka ba. Mahiya ka nga" bulong ko sa kinikilig na si Casey. Feeling ko namumula ako ngayon, nanlalamig na rin ang mga kamay ko. You need to calm the fuck down Aeryn!
"May nakaupo ba rito? " nakangiting sambit ni Casey. Huh! Akala mo totoo eh.
"Wala miss! Tara dito na kayo" Napatitig ako sa lalaking blonde ang buhok. Siya yung kasama ni Travis sa picture ang gwapo niya rin pala. Hindi tulad kay Travis, black ang mga mata niya.
Unti-unti kong inilapag ang bag ko sa upuan katabi nitong kulay blonde ang buhok.
"Troye Dean Mendoza nga pala " WHAT?!
Hindi ko na nagawang abutin ang nakalahad niyang kamay dahil sa gulat ko. Kung ganun, magkapatid sila? Seriously?
"M-magkapatid kayo? " nauutal kong sabi habang tinuturo ang lalaking seryosong nagtetext.
"Ah, oo" Kambal ba sila? Sobrang dami kong iniisip tungkol sa dalawang ito.
Dumating na ang professor namin kaya nagsi ayos na ng upon ang lahat. Lumilipad ang isip ko habang pinagpapantasyahan si Travis. Pagnaaalala ko yung picture niya kinikilig ak-
"Braile, Aeryn"
"P-po! " sa gulat ko ay napatayo ako. Kumunot ang noo ko sa pagtataka habang tumatawa ang mga kaklase ko.
Hinigit ako pababa ng upuan ni Casey."Say present lang dude, masyado na naman atang bibo kid! Hahahaha" halos hindi na mapigilan ni Casey ang kanyang tawa dahil sa ginawa ko. Nakakahiya!
Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk. Masyado ng maraming nakakahiyang bagay na nangyari ngayong araw.
Nakita kong itinabi ni Travis ang cellphone niya at ibinaling ang tingin kay Troye may ibinulong siya na nakapagpangisi kay Troye.
"Ay jusko po! " nagulat ako dahil may daliring tumusok sa tagiliran ko.
"Party later, sama kayo? " bulong ni Troye sa akin. Aba? Feeling close naman ata 'to?
Pero sige, iisipin ko na lang na masuwerte kami at napansin niya. Nakakahiya naman kung sasabihan ko siyang FC. Ibinaling ko ang tingin ko kay Casey at ibinulong din ito. Hindi man lang siya nagdalawang isip at tumango agad!"Okay then, see you. 8 p.m. itetext ko address" bulong niya sa akin.
"Sandali nga lang ha, gusto mo lang mukha number ko eh! " agad akong napatakip ng aking bibig sa sinabi ko. What the hell?
"Ibibigay ko rin yan kay Travis. Alam ko naman na may gusto ka sakanya. Thank me later " sabay kindat niya.
Nakikiayon ang tadhana! Not bad.
"See you later Ae" sabi ni Troye tsaka nagpaalam na. Tinignan ko si Travis na inakbayan si Troye at mukhang may ikinukwento. Nilingon niya ako at tumitig saglit. Hindi ko mabasa ang ekpresyon niya ngunit isa lang ang sigurado ko. Namumula na ang pisngi ko!
Magaalasingko na ng hapon nang matapos ang klase namin at nagpasama si Casey sa department store para bumili ng bagong shorts na gagamitin niya mamaya. Andami na kaya niyang damit! Gosh.
"Maganda to sayo! Ito suotin mo daliiii" nagniningning ang mukha ni Casey habang iwinawagaywway ang crop top na long sleeve sa akin. What do you call this thing?
"Ayoko wala sa budget ko yan" wala naman talaga akong balak bumili ng damit dahil may susuotin naman ako para mamaya.
"Libre ko Ae, wag ka ng pabebe. " sabi ko na eh! Mayaman naman siyaNo choice ako kung hindi sukatin yung damit at parang magkukorteng puso na ang mata ni Casey nang makita ako.
BINABASA MO ANG
Past In The Future
Teen FictionSa unang araw ng klase ay hindi inakala ni Aeryn na makikilala niya ang lalaking hahangaan at kaiinisan niya. Perfect man na e, masungit nga lang at may nakakainis na attitude. Pwede ba 'yon? Kainisan at gustuhin pareho? O una pa lang gusto mo na ta...