Kapag naaalala ko yung mukha ni Travis noong hinalikan niya ako, gusto ko na lang magwala. Fuck this shit! Paano ko kaya siya kakausapin o haharapin?!
"Case" tawag ko kay Casey na nagaayos para makaalis na kami papuntang school.
"Oh? " aniya
"A-ang gulo na. Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko." totoo naman. Nalilito na ako.
"Oo, gusto ko siya pero naiinis ako at the same time. Gusto ko siyang iniinis kasi nakakainis e! Gusto kong bumawi. Yun talaga dapat iyon." I need to fix my shits.
"Oh? Talaga? Ako na liliwanang sa feelings mo. Una sa lahat, una pa lang gusto mo na siya. Naiinis ka kasi alam mong hindi ka niya gusto. Pangalawa, takot kang aminin na 'Oo, gusto ko si Travis. ' kasi nga alam mong marami siyang babae. Pangatlo at panghuli, iniinis mo siya para.... Mapansin ka niya hindi ba? Diba? Ayun yon e. Hindi ka niya papansinin pag hindi mo siya ininis. Ginagawa mo iyan para mapansin ka niya. " it hits me. Am I seriously going crazy to this asshole?
"Magnilay ka na. " tumawa siya nang malakas at tinalikuran ako.
Sumalubong ang ngiting aso na si Troye sa akin pagpasok. Nakita ko si Nicole na nakadikit kay Travis. Eto na naman yung mga sundalo sa puso ko na gustong manugod.
"Party later! " sumigaw siya at napatalon ako sa bigla.
"Luh, for what? " tanong ko. Monday na Monday party? What a life.
"I-wewelcome namin kayong mga bago! " ayan na naman yung paghawi ni Troye sa buhok niyang blonde. Ano ba naman tong nilalang na ito. Umupo na ako sa upuan ko at ipinagsawalang bahala ang lahat. Wala akong gana shet. Hayp na Nicole iyan sinira araw ko.
Buong oras lang akong nakinig sa prof. kahit sobrang daldal ni Troye.
Natapos ang klase nang wala akong kinakausap. Badtrip."Miss sungit. " boses pa lang nagkakamini heart attack na ko.
"Ano?! " nilingon ko si Travis na nagtataka sa reaksyon ko.
"May lakad tayo ngayon hindi ba? " umirap siya at hinila ako papunta sa parking lot. Alam ni Casey na may lakad kami kaya ang bruha, umuwing mag-isa.
Nagulat ako nang kindatan ni Travis yung babaeng nakatingin sa kaniya at bumitaw sa kamay ko para hawakan ang bewang nito.
"Gwapo pero babaero. Sayang. " bulong ko.
"Ano? Hindi kaya." nagulat ako nang pasikreto siyang ngumiti.
Kukunin niya na sana ulit ang kamay ko ngunit agad kong iniwas ito.
Nagtaas siya ng kilay.
"Don't touch me, Mendoza. May hinawakan kang iba. " umirap ako at naunang maglakad.
It's not hard to like him. Inaamin ko, madali akong ma-attract sa gwapo. Pero hindi ganoon kadali ang magtiwala. Kaya nagaalangan talaga ako. Hindi ko alam. Pero sure ako, isang kalabit na lang bibigay na ako. Mabilis pero anong magagawa ko? Mahirap kalaban ang puso.
"Ae! " nakasimangot ko siyang nilingon dahil tumatawa siya.
"Chill! Tinetest lang kita kung magseselos ka!" Tumawa ulit siya nang malakas.
"TEST TEST KA DYAN! BAHALA KA TEST TEST MO MUKHA MO! " pumasok na ako sa front seat at hindi siya pinansin.
"What? Anong testes? " nakasimangot siyang pumunta sa pwesto ko. Dibale nasa labas pa siya at ako payapang nakaupo na sa unahan.
"Anong testes? Test test " sagot ko.
"Ae, ganiyan ka na ba kabastos? " natawa siya sa sinabi niya. Sinapok ko ang dibdib niya. Halos matawag ko na lahat ng santo nang maramdaman yung muscles niya. Shet shet shet!
BINABASA MO ANG
Past In The Future
Teen FictionSa unang araw ng klase ay hindi inakala ni Aeryn na makikilala niya ang lalaking hahangaan at kaiinisan niya. Perfect man na e, masungit nga lang at may nakakainis na attitude. Pwede ba 'yon? Kainisan at gustuhin pareho? O una pa lang gusto mo na ta...