tama na, pwede?

29 0 0
                                    

"Hindi mo naman yan maiiwasan."
Hindi, ayoko.
Ayokong marining ang mga salitang iyan.
Ayokong harapin ang katotohanan,
Na ngayon ang puso ko'y tumitibok para sa'yo.

Ayoko, hindi ako papayag.
Na ako'y magpapapalag
Sa matalim na kutsilyo
Na tinatawag kong pag-ibig.

Pag-ibig na hanggang ngayon ay aaminin kong hindi pa nahihilom.
Galing sa sugat ng nakaraan, hanggang ngayo'y nahihilo.
Dahil sa iyong pagbaluktot at pag-ikot,
Sa mundo ko.
Ngunit sa huli ay isa lamang mala-bangungot na ilusyon.

Kaya, aking puso, bakit?
Bakit ka pa ba nagmahal muli?
Bakit ba hindi mo kayang mag-isip?
Bakit hindi ka nadadala sa sakit?

Ang dali mong mahulog, nakakainis ka.
Kahit ano pang paalala,
Hindi ka nakikinig.
Tapos sino ang kawawa, ikaw din naman di ba?
Putang ina naman talaga.

Sabi nila di maiiwasan yan,
Ang umibig ulit, ang mag-mahal na naman.
Kaso, hindi na pwede sa akin yan.

Pwede ba puso, tigilan mo na ito?
Sa bawat oras, minuto at segundo
Siya ang laman ng isip ko.

Pero, may tyansa ba?
Wala naman di ba?
Kaya kung pwede? Tigilan mo na.
Anong pagmamahal mo kung madadaan lang naman sa wala.

At ito na nga ang problema.
Sa oras na nahulog ka na,
Ang hirap bumangon muli.
Ang hirap umalis.
Ang hirap iwan ang tamis, sa oras na nandyan siya.
Sa bawat oras na iniisip mo siya.

Ano, come back full circle lang?
Pinagdaanan mo na ito di ba?
Alam mo na ang sakit ng may malaking hadlang,
Sa pagmamahal mo sa kanya.

Ilang beses ko pa ba kailangang sabihin?
Tigilan mo na at huwag ng pilitin.
Saluhin ang sarili sa iyong pagkahulog.
Isipin mo na lang sarili mo kaysa siya,sa iyong pag-tulog.

Please lang. Ako'y nagmamakaawa na.
Ayoko na.
Ayoko ng masaktan.

Ano ngayon, maghihintay na naman akong mag-move on?
Pwede bang i-fast forward ko na?
Kaso kasi, hindi pwede yung ganun eh.
Ganyan naman si universe, ang unfair talaga.

Oo na, wala na akong magagawa.
Ito'y mahirap mapigilan nga.
At sadyang matagal malampasan.
Pero dalangin ko lang,
Sana hindi ko na lang maramdaman ang tagal ng oras.

Sa pag-hintay sa panahong wala ng isang tao,
Titibok ang puso ko.

Kundi titibok na lamang ito para sa sarili ko.

A: some of you might not understand this bc it's written in my first language (which is filipino) but to my filipino readers hope you enjoy this!! This is the very first time I've written a poem in Filipino so yayy :D If you want like a translation of this poem just comment down below :)

What's Inside?Where stories live. Discover now