Dahil sa pagkaawa sa asawa, anak at pamilya, mangangako si John na magpapagamit sa Diyos at hihilinging makalakad na siya upang magampanan niyang muli ang kanyang mga responsibilidad na napabayaan niya sa loob ng apat na taon.
Diringgin siya ng Panginoon.
Bitbit ang mga salita ng Diyos at pag-asa, nagsimula siyang maghanap ng trabaho. Sa unang gabing pag-uwi niya sa mapagmahal pa siyang aaluhin ni Joanne, ang kanyang asawa, ngunit paglipas ng mga araw niyang pag-uwi na bigo ay wala siyang maririnig na reaksiyon mula sa partner.
Ilang mga kaibigan ang makikita o makakatagpo niyang muli sa loob ng matagal na panahon at mag-aalok ng mga masaganang kabuhayan. Tatanggi siya. Maiisipan rin niyang pumasok sa mga bagay na labag sa kalooban ng Diyos, ngunit pangungunahan siya ng takot.
Patuloy siyang aasa sa Panginoon at pangako niya. Hindi niya makakalimutang pinagaling siya Niya. Ngunit, darating ang labis na kahirapan sa buhay na kung saan, hindi na niya makakayanang tingnan na lamang na nagugutom at nahihirapan ang asawa't anak.
Hahanapin niya ang mga kaibigang nag-alok sa kanya ng mabilisang pasok ng pera, ngunit huli na ang lahat. Kaya, ibang mundo ang papasukin niya.
Magkakamal siya ng pera dahil sa kasamaan, hanggang sa malimutan niyang nangako siyang magpapagamit sa Panginoon.
Itatakwil siya ng ina at hihiwalayan siya ng asawa, kasama ang limang taong gulang nilang anak nang tumanggi siyang tigilan ang kanyang ginagawa.
Mag-iisa siya at mahihirapan.
Unti-unting mauubos o mawawala ang pinaghirapan niya. Mapapabayaan niya ang sarili at magkakasakit, dahil sa labis na pangungulila. Maaalala niyang muli ang Diyos pati ang pangako niya. Hihingi siya ng tawad.
Pipilitin niyang bumangon sa kabila ng karamdaman at hahayo siya upang gawin ang mga pangitaing ipinakita sa kanya ng Diyos bilang kapalit ng kanyang pagkakasala.
BINABASA MO ANG
Apokalipsis
SpiritualSi John ay sinubok, pinatawad at muling susubukin ng Panginoon. Isa itong script na maaaring gawing pelikula.