Sequence 104

49 1 0
                                    

SEQ. 104. EXT. BAHAY NI JOHN. ALAS-SAIS Y MEDYA NG UMAGA

Pasungaw-sungaw si Susana, asawa ni Ka Mando, sa bahay ni John.

SUSANA

John! (Sigaw) John! Nandyan ka ba, John?!

(Darating sina Joanne at Marjorie.)

JOANNE

(Sees Susana) Aling Susana?

SUSANA

(Delighted) Uy, Joanne! Buti't dumating ka na. Kahapon pa ako pabalik-balik dito..

JOANNE

Bakit po?

SUSANA

Si Mando, noong isang araw pa nawawala. Baka kako, nakita ni John..

JOANNE

Kaya nga po kami bumalik, dahil nawawala rin po si John.. (Looks at her daughter)

MARJORIE

Totoo po ba, Mommy?

JOANNE

(Looks at her daughter, blankly) Pasok po tayo. (Invites Susana)

ApokalipsisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon