SEQ. 26. EXT. KALSADA NG SIYUDAD. RUSH HOUR.
Maglalakad si John sa kahabaan ng kalsada. Wala na sa ayos ang long-sleeves polo niya. Laylay na rin ang mga balikat.
MONTAGE: Ipapakitang muli ang mga eksenag nag-a-apply siya at binigo siya ng mga employer. Ipapakita rin ang mga eksenang inaalok siya ng mga kaibigang may maling paraan ng paghahanap-buhay.
Makikita niya sa isang di kalakihang carinderian ang karatulang "Wanted: Dishwasher". Hihinto siya at mag-iisip.
Maglalakad siyang muli..
SEQ. 27. INT. PAMPASAHERONG BUS. GABI.
John is sitting at the back of the bus..thinking of something.
Hindi niya napapansin ang patingin-tinging ale, na nasa 40 na ang edad. Maya-maya..
ALE
Excuse me.. alam ko malaki ang iyong suliranin.. (Ilalabas ang isang Biblia) Sabi ng Bibilia, sa Juan 6:37: "Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumalapit sa akin." Ginoo, ilapit mo ang sarili mo sa Panginoon at ang lahat ng mga bagabag mo ay magiging kasinggaan ng papel, hindi ka Niya bibiguin. (She looks for her tracts and hands down one to John). Tanggapin mo ito.. Dumalaw ka sa church naming. Nariyan sa likod ang address.. Sige, Ginoo, ako'y bababa na. (Stands up ang prepares herself.)
JOHN
Sige po, ingat po kayo.. (Starts to read the tract)
BINABASA MO ANG
Apokalipsis
SpiritualSi John ay sinubok, pinatawad at muling susubukin ng Panginoon. Isa itong script na maaaring gawing pelikula.