SEQ. 41. INT. LUMANG BODEGA. GABI
Mapupuno ng tawanan at halakhakan ang buong bodega, naroon rin sina Rico, Betong, Ruben at Enteng. Hindi naman malaman ni John ang reaksyon niya sa tagumpay nila.
Ka Mando is holding a hand bag.
KA MANDO
Hoy, John! Tumawa ka naman dyan.. Ngumiti man lang kaya. Hindi mo ba ikinakatuwa na naipasa mo ang second initiation mo?
JOHN
Paano po ako matutuwa kung..kung may isang buhay ang nawala?
KA MANDO
(A bit angry) Hindi dapat ganyan ang reaksyon ng mga kagaya natin! Halang ang mga bituka ng bawat tauhan ni Mr. S. Tan.. Kaya.. kung ganyan ka..ewan ko.
(Mapapamaang si John.)
KA MANDO
Halika na.. Lumapit na tayo sa kanila..
(Lalapit ang dalawa sa apat na nag-iinuman.)
RICO
Tagay na kayo! Magsaya tayo!
(Enteng gives then saets.)
KA MANDO
Bago tayo magkasayahan o magkalimutan.. (Ilalabas niya ang mga bundle ng pera mula sa hand bag.)
ENTENG
Yes! Pera! Pera! Makakatikim na naman ako ng babae. (Ikakaskas pa ang palad sa palad.)
RUBEN
Puro ka babae! Kaya walang natitira sa'yo, e.. Siguro may sakit ka na.
ENTENG
Masarap kasi, e.
KA MANDO
Ito ang para sa'yo, Enteng. Ito sa'yo, Ruben.. Ito sa'yo, Betong.. Para naman sa'yo, Rico. At ito naman ang kay John..
JOHN
(Accepts the money, but unhappy) Pwede na po ba akong maunang umuwi?
KA MANDO
Hala, sige! Maghanda ka para sa huling initiation..
(John looks at Ka Mando meaningfully.)
BINABASA MO ANG
Apokalipsis
SpiritualSi John ay sinubok, pinatawad at muling susubukin ng Panginoon. Isa itong script na maaaring gawing pelikula.