Sequence 42-43

122 1 0
                                    

SEQ. 42. INT. BEDROOM. MADALING-ARAW

John enters the room very carefully.

Himbing na ang mag-ina niya.. Saka dudukutin ang pera sa bulsa at tutungo sa tokador. Maingat niya itong bubuksan. Itatago niya ang pera sa ilalim ng Biblia.

Joanne wakes up..and looks at the wall clock. It's already 4:23 AM. Then, she looks at John meaningfully and angrily.

                                                                                                                   CUT TO:

SEQ. 43. INT KUSINA. SAME HOUR

While Joanne is making coffee for John, she's nagging him..

JOANNE

Diyos ko naman, John..may overtime bang inaabot ng alas-kuwatro ng umaga? Grabe naman iyang restaurant nyo..masyadong maraming customer!

JOHN

Ganun talaga.. Siyempre, kailangan kong mag-OT para mabayaran ko kaagad ang vale ko.

JOANNE

Hindi mo ako mapapaniwala! (Gives him the coffee) O, kape mo! Nerbyusin ka sana!

JOHN

(Smiles) Grabe ka naman..sana di mo na  lang ako pinagtimpla..

JOANNE

Hoy, Juan! Hindi tayo matutulog hangga't di ka nagtatapat!

JOHN

O, di ba? Sabi ko sa'yo nag-OT ako..

JOANNE

Alam mong alam ko na di iyon ang dahilan.. Sabihin mo sa'kin! May kalokohan kang pinagkakaabalahan, no?! Magsabi ka ng totoo!

JOHN

Ano bang totoo ang gusto mo? Sinabi ko na nga sa'yo, di ba? Ba't ayaw mo pa ring maniwala?

JOANNE

Dahil di kapani-paniwala!

JOHN

Ok, ok! Fine! Ang totoo..hanggang 2:30 AM lang ang OT ko. Nag-inuman kami ni Jerry. Believe ka na?

JOANNE

(Lalapit sa asawa at aamuyin) Hindi ka amoy alak. Hindi ka amoy babae..

JOHN

E, anong amoy ba ang gusto mo? (Pasigaw)

JOANNE

Wala! (Pasigaw rin) Ang gusto ko..hindi ako makaamoy ng something fishy sa'yo! Hindi ganitong oras ang uwi ng responsableng ama at asawa!

JOHN

At ano ang gust mo? Umuwi ako ng maaga ng walang pera? O umuwi ako ng late na punong-puno ang bulsa?

JOANNE

Wala! Ang gusto ko..magkaroon ka ng time sa amin ng anak mo kahit nagtratrabaho ka. May promise ka sa anak mo, pero ginagawa mo ba? Hindi! Dahil busy ka kung saang bagay!

JOHN

Hoy, Joanna! Kung wala man akong time para sa inyo..dahil yun sa gusto kong maibigay sa inyo ang mga pangangailangan nyo sa araw-araw..at wag na wag mo akong hahanapan ng oras para sa'yo. Kasalanan mo ang lahat. Magkakaanak ba tayo at magsasama kung hindi mo ako pinikot? Maghintay ka kung kelan kita bibigyan ng panahon!

(Joanne cries silently.)

JOHN

Wag mo akong piliting mahalin ka..

ApokalipsisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon