Sequence 49

114 2 2
                                    

SEQ. 49. INT. KUSINA. PAST 6 PM.

Joanne is preparing the ingredients for her dish. John enters.

JOHN

(Happy) Anong lulutuin ng kabiyak ko?

JOANNE

(Bland) Chop suey.

JOHN

Wow! Mukhang marami akong makakain ngayon, a. At aba, magchi-chicken joy ka pa. Gaganahan din nito si Marjorie.

JOANNE

Mapera ka na, e, kaya can afford na tayong mag-ulam ng masarap, di ba? (Sarcastic)

JOHN

Siyempre! Ganyan talaga pag may trabaho.

JOANNE

At hindi lang yun...malaki rin ang ipon.. Nakapagtataka!

JOHN

What do you mean?

(Marjorie enters..then Rina.)

MARJORIE

Nandito po si Auntie Rina! (Holding a chocolate bar)

JOHN

Rina! Kumusta?

RINA

Mabuti. Kayo? Mukhang masaya ang buhay niyo ngayon, a.

(Joanne looks meaningfully to John, without smile in her face.)

JOHN

Oo naman! May hanapbuhay na ako, e. Anong atin? Nagmeryenda ka na?

RINA

Tapos na. Mag-i-invite ako sa inyo.

JOHN

For what?

RINA

Mamamanhikan na sa akin si Jeric sa katapusan.

(Joanne looks at Rina and at John. Marjorie leaves the room.)

JOHN

Talaga? Aba naman ang little sister ko, mag-aasawa na rin at last!

RINA

Ayaw ko pa nga,e.

JOHN

Sus! You're not getting any younger. Besides, stable naman ang trabaho ni Jeric. Tiyak na ang buhay mo.

JOANNE

At saka..masuwerte ka nga't mae-experience mo na ang ikasal. (Continues her work, without looking at John)

(John looks at her wife.)

RINA

Sabagay! May point ka nga, ate. O, ano, asahan ko kayo, ha?

JOANNE

Ako, sure! Ewan ko dyan sa isa..

RINA

Ba't naman, Kuya?

JOHN

Pupunta ako. Kahit may OT.

(Joanne tries to smile but it turns out sarcastic.)

ApokalipsisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon