SEQ. 86. INT. BAHAY NI JOHN. SAME HOUR
Magugulantang sina John, Sis. Winay, Betong, Ruben at Enteng sa pagpasok ng sampung golden men. Tig-dadadalawang golden men kada isang tao kina John ang hahawakan sa kanilang mga kamay.
JOHN
Bitiwan niyo kami mga kampon ni Mr. S. Tan!
SIS. WINAY
Sino sila, John?
JOHN
Sila ang mga tauhan ng dati naming amo.
SIS. WINAY
Sila ba? (Kakawala) Mga kampon kayo ni Satanas! Sa pangalan ni Hesus, pakawalan niyo kami!
(Rico enters, laughing.)
BETONG
Rico? Isa kang traydor! Bakit mo kami pinahamak? Kung gusto mong sunugin ang buhay mo sa impyerno, bahala ka! Basta wag mo lang kaming tratuhin ng ganito.
ENTENG
Mang Rico, bagay sa'yo ang suot mo..parang di halatang mamamatay-tao ka.
RICO
(Laughs like a dog) Wag kayong mag-alala, hindi ko kayo sasaktan. Hindi ako pupugot ng ulo niyo. Sayang nga,e. Pero, di bale na.
BETONG
(Tries to escape from to golden men. Angry) Masahol ka pa kay Satanas! Di ko akalaing ipagkakanulo mo kami. Pakawalan niyo ako't dudurugin ko ang ulo niyan. Bitiwan niyo ako!
JOHN
(Mahinahon) Wag na tayong mag-aksaya ng laway sa paghingi sa kanila ng awa..Hindi nila tayo pakikinggan. Sumunod na lang tayo sa kanila. Ngayong tinanggap na natin si Hesus sa puso at buhay natin, hindi Niya tayo pababayaan.
SIS. WINAY
Tama si, Bro. John. Wag tayong matakot sa kanila..lalo na sa kamatayan.
RICO
(Laughs) Tama na ang drama. Hala, dalhin na sila! (Turns back)
DISSOLVE TO:
BINABASA MO ANG
Apokalipsis
SpiritualSi John ay sinubok, pinatawad at muling susubukin ng Panginoon. Isa itong script na maaaring gawing pelikula.