CREDIT SEQUENCE. INT. MIDDLE-CLASS HOUSE. SALA. ALAS-9:00 NU
Tahimik ang kabahayan. Nagsusulsi si Joanne. Nagko-color naman ang anak nilang si Marjorie, habang pinagmamasdan sila ni John na nakaupo sa wheelchair. Hahagurin niya ang mga paang nalumpo. Palihim siyang tatangis. At, lalayo sa mag-ina. Ipapakita ang malaki at makapal na itim na Bibliya (may sukat na 13" x 15"), na nakapatong sa pinasadyang pulpitong nakapuwesto sa side ng sofa.
SEQ. 1. INT. BAHAY NILA. DINING AREA. GABI
Sa kalagitnaan sila ng pagkain..
MARJORIE
Daddy, bakit po laging tinapa ang ulam natin?
(Titingnan lang ni John si Marjorie. He also will look helplessly to Joanne.)
JOANNE
Nagsasawa na ba ang baby Marge ko?
MARJORIE
Hindi po. Masarap naman po s'ya.. Bakit nga po? Favorite n'yo po ito?
JOANNE
Anak.. mahal kasi ang presyo ng mga bilihin ngayon at sa sobrang mahal.. tinapa na lang ang kayang bilhin ng pera natin.. Hayaan mo pag nagkapera tayo ng marami, mag-uulam tayo ng chicken joy. Di ba favorite mo yun?
MARJORIE
(There's a smile in her face) Opo! Favorite ko ang chicken joy! Promise n'yo po, ha?
JOANNE
Promise.
(Marjorie will continue to eat while John and Joanne look at each other.)
BINABASA MO ANG
Apokalipsis
SpiritualSi John ay sinubok, pinatawad at muling susubukin ng Panginoon. Isa itong script na maaaring gawing pelikula.