Sequence 35-36

141 1 0
                                    

SEQ. 35. INT. SALA. ALA-UNA NG UMAGA

John enters the house. He lits his lighter and sees first the Bible. He comes to the direction of it and takes it up. Mabigat.

JOHN (VO)

Ama, hindi ko po kailanman malilimot na binigyan Niyo akong muli ng pangalawang pagkakataong makalakad. Salamat! Salamat, pero, Diyos ko..ilang beses akong nagpakumbaba at humingi Sa'yo ng ikabubuhay ng pamilya ko.. Bigo ako.. Wala na pong ibang paraan tulad sa alam ko.. Patawad, Oh, Diyos ko..para rin po ito sa mag-ina ko.. Patawarin Niyo po ako.

SEQ. 36. INT. BEDROOM. SAME HOUR

Ang liwanag mula sa gasera ang tumatanglaw sa kuwarto. Himbing na himbing na ang mag-ina.

John enters the room. Magigising ang asawa.

JOANNE

John?! O, bakit hawak mo ang Bibliya?

JOHN

Pangit siyang tingnan dun sa sala..dito na lang ito sa tukador. (Keeps the Bible in the cabinet)

JOANNE

Madaling araw na. Ba't ngayon ka lang? Kumain ka na ba?

JOHN

Wag ka ng bumangon. Kumain na ako. Galing ako sa kababata ko..baka kako makatulong sa akin..

JOANNE

O, ano raw?

JOHN

Wala siya dun. Bukas na lang ako babalik.

JOANNE

Bakit ano bang trabaho niya?

JOHN

Ha? A, e.. manager siya sa isang bar and restaurant.. Kako,,kahit waiter lang. Okay na yun.

(Kibit-balikat si Joanne at matutulog na muli. John is standing there still..looking at his wife and daughter. He's sad.)

ApokalipsisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon