Sequence 29-30

145 1 0
                                    

SEQ. 29. EXT. GATE NG BAHAY. GABI.

Madilim ang buong kabahayan nina John.

Pagtapat ni John sa gate, matitigilan siya sa maabutang dilim sa loob at labas ng bahay.

He runs quickly inside the house.

                                                                                                                                                              CUT TO:

SEQ. 30. INT. LOOB NG BAHAY. SAME HOUR.

John enters the house. 

JOANNE

(Sitting in a single sofa) Kumusta ang lakad  mo? May magandang balita ba?

JOHN

Ano 'to? Bakit..?

MARJORIE

(While she is watching the candle's tears) Daddy, pinutol po ng Meralco ang kuryente natin kanina.. Ang dilim-dilim po pag walang kuryente.. hanggang kelan po tayo walang kuryente?

JOHN

Hayaan mo, Baby Marge..Bukas, may kuryente na tayo.

MARJORIE

Talaga po? May trabaho na po kayo?

JOHN

(Hindi makasasagot kaya lalapitan ang anak.) Pasensiya na, ha? kasi di agad nakapagtrabaho si Daddy. Pero, (Turns to Joanne) ..sinisikap ko.. Sorry kung umabot tayo sa ganito..

JOANNE

Maghahain na ako.. Sumunod na kayong mag-ama..

ApokalipsisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon