Chapter One

189 13 34
                                    

"Hi! I'm Hype Siaco"

Masyado bang weird name ko? Nginingitian kasi ako ng mga new classmates ko

Sabi sakin nila mama, mukha raw kasi akong hyper nung baby pa lang ako

Bagong lipat kami dito sa Cavite, nalipat kasi dito trabaho ni papa. Grade 9 na ako.

"Hype you can sit beside Indayao" umupo ako dun sa tabi ng babaeng cute, yun kasi tinuro ng teacher namin

Nakasalamin sya

Siguro matalino

"Hi! Ako si Rosalita Olivia Laura E. Indayao, Rolei na lang. Ikaw?"

"Ah.. Hehe.. I'm Hype."

"Nice to meet you seatmate!" Nakangiti nyang sabi

nginitian ko lang sya at tumango tango

Nagpatuloy ang discussion, July na kasi ako nagtransfere dito kaya may mga napagaralan na sila, biglaan kasi paglipat namin dito.

Dahil hindi ko pa naman alam ang pinagaaralan nila, sumusulyap sulyap lang ako kung anong meron dito sa bago kong room.

Lumipas ang ilang mga minuto dahil wala talaga akong magawa kinuha ko yung ballpen ko at papel tsaka sinulat yung nasa board para sa bahay ko na lang pagaralan.

Inayos ko ang upo ko at aksidenteng nasanggi ko ballpen ko, nahulog tuloy at gumulong sa likod ko

Tinignan ko, nakakatamad tumayo

Aamba na sana akong tumayo nang biglang may dumampot ng ballpen ko at inabot 'yun sakin

Agad ko 'yun tinignan. Walang kurap kurap ang mata ko.

At sya naman ay walang sali-salita na nakaabot ang kamay nya

Pati ngiti sa labi wala.

*Kring

Kinuha ko 'yon sa kanya at tumingin pa rin sa kanya

"Salamat. Ano pangal-" 'di ko natapos ang sasabihin ko dahil agad syang tumayo at umalis

iisipin ko na lang na di nya narinig sinabi ko kesa sa inisnob ako nun.

Pero bakit nakaramdam ako ng unting kaba?

"Hype, sabay ka?" Natauhan at napatingin ako sa katabi ko

Tumingin ako sa paligid, wala na pa lang tao

"Sige ba"

"Good. Lika na"

Tumayo kami ni Rolei at nagsimula nang naglakad papuntang cafeteria

Medyo malaki rin tong bago kong school. Nakakailang nga kasi yung iba tinititigan ako, bago siguro sa kanila ang pagmumuka ko

"Bakit ka lumipat ng school?" Napatingin ako kay Rolei

"Nalipat kasi trabaho ni papa dito"

"Ah. Wag ka magalala, masasanay ka rin dito"

"May tanong pala ako Rolei" tumingin sya sakin at ngumiti. Masasabi kong maganda sya, kahit na may makapal na salamin pa sya. Eh ako? Simpleng babae lang.. May itsura naman daw ako sabi ng iba. Hindi ako ganon kaputi at rebounded ang buhok. At oo, maaaring marami akong insecurities sa iba.. Pero balik tayo kay kuya guy,

"Ano?"

"Uhm. Anong pangalan nung lalaking matangkad na sa may likod nakaupo?"

"Huh? Maraming lalaki sa'ting matangkad"

"Yung naka brown na bag?"

"Ah, si Blade ata yung tinutukoy mo. Transferee din yun, nauna lang pumasok sayo"

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon