Chapter eighteen

62 10 14
                                    

"Lika, dito tayo"

Sinundan namin si Francis na tinuturo kung saan kami uupo.

Sa may malapit na park ginanap ang mini birthday party ng celebrant

At nalaman kong 12 years old na yung magbibirthday party

Halos patapos na rin ang party ng pagkarating namin, kaninang ala-una pa pala ito sinumulan kaya tamang tama lang ang pagrating namin dahil kakanta na maya maya si Francis

Sinabi ni Francis ang table naming lahat at tsaka kami umupo roon

"Oh Francis buti at pumunta ka talaga" sabi nung babaeng mukang mas matanda samin ng ilang taon pero maganda naman siya

"Kukulitin lang ako ni Frances sa bahay" sabi nya 'dun sa babae

"Magready ka na susunod ka na dyan sa kumakanta" sabi nung babae tsaka sya ngumiti

May kumakanta kasi sa stage na babae habang may nagpiapiano naman na lalaki. Nagpeperform rin ata para 'dun sa may birthday.

Tumayo si Francis at tumingin samin

"Igoodluck nyo naman ako!" Sabi nya at sinabihan naman sya ng good luck ni Agnes at Jaron

Napatingin sya sakin at nginitian ako at ngumiti rin ako pabalik

Good luck Francis

Mayrong mga pumunta sa table namin para bigyan kami ng pagkain, at ayun, kain ng kain sila Agnes.

Ilang minuto ang lumipas at natapos ang performance nung kaninang kumakanta

And ngayon si Francis na.

Kung ako ang nasa pwesto nya, sobrang kakabahan ako at sana lang matapos nya ang pagkanta ng walang problemang mangyayari.

"And now, let's welcome Francis Rivera for his performance for our birthday celebrant, Arnhie!"

At doon na pumasok si Francis na may dalang gitara. Hindi na rin sya nakauniform at naka long sleeve polo na checkered na sya na black at naka jeans

Medyo gulo gulo ang buhok nya at kita ang kumikinang na hikaw nya sa kanang tainga nya

Umupo sya sa upuan at inayos nya muna ang mic

"Wohooo! Go Francis I love you!" Sigaw ni Jaron

Medyo nakakahiya si Jaron, marami kasing tumingin sa table namin. Loko kasi sumigaw.

Nagsimula nang maggitara si Francis. At ramdam kong magiging maganda ang pagperform nya ng kanta nya ngayon

(PLAY THE MEDIA PO HEHE.)

Tumataas ang mga balahibo ko sa ganda ng paggamit nya palang ng gitara at isa siguro ito sa dahilan kung bakit maraming humahanga sa kanya.

🎶Matagal ko nang itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sa'yo🎶

Gaya ng sabi ko, maganda ang pagkanta nya, sa tingin ko nga may potential syang maging singer eh.

🎶Bakit di mo pansin itong aking pagtingin
Ba't di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala
Ang tingin mo sa akin🎶

Tinatamaan ako sa kinakanta nya. Relate kasi ako. Para bang gusto kong sabihin ang lyrics ng kanta kay Blade..

🎶Kung ako ba siya
Mapapansin mo🎶

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon