Chapter four

62 10 18
                                    

"Francis! Bakit ka andito?" Agad kong tanong sa kanya

Napakamot sya sa batok nya "Sorry, nakaistorbo. Bwisit na dare kasi. Nagdare kami nila Livan, at ito yung akin. Puntahan daw kita at magbigay ng bulaklak. Malapit lang naman bahay ko dito"

Binigay nya sakin yung tatlong rose

"Pwede ba kitang picturan? Dare rin eh"

"Ha?" Nahihiya ako sa totoo lang.

"Isang shot lang promise"

"Okay" kinuha nya yung phone nya at tinapat yun sa mukha ko

Ngumiti ako habang hawak yung rose

"Yun. Thank you" umayos kami ng upo

"Thank you rin dito kahit dare. Itong rose, ang ganda."

"Maganda talaga." Sabi nya ng mahina

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa cell phone nya

"Ano yan?" Titignan ko sana ang tinitignan nya pero agad nyang nilayo 'yon

"Wala naman. Sige alis na ako, salamat ulit"

"Ah sige" hinatid ko sya hanggang gate at umalis na sya

Pumasok ulit ako sa loob ng bahay

"Sino yon Hype?" Tanong ni mama

"Classmate ko po"

"Bakit ka binigyan ng bulaklak?"

"Para po to sa design namin sa arts.. Akin nya po pinapatago.. Akyat na ako ma" agad akong umakyat sa taas. Hu! Mahigpit kasi ang parents ko. Lalo na si Mama. Oo si mama, mas strict pa sya kesa kay papa, tsaka buntis si mama kaya kailangan ko rin talaga hindi stressin, gusto ko na rin kasi magkaroon ng baby brother, lalaki daw kasi si baby.

Dahil wala akong magawa, natulog na lang muna ako

-------

Sunday.

Wala namang nangyaring bago. Boring pa rin ang buhay ko

Hanggang sa maggabi

Kakatapos ko lang kumain nang pumunta ako sa kwarto ko

Nanood muna ako ng movie sa laptop, wala naman rin kasing bago sa social life ko

As in kung ikaw ako, mababagot ka lang sa buhay ko

Tumingin ako sa relo ko

8:47 pm.

Nanonood ako ng Paper Towns

Nang biglang magring ang phone ko

Unknown number

Sino 'to?

Sinagot ko 'yon

"Hello?"
 

Walang sumagot, ano bang problema nitong tumatawag, pinagtritripan ako?

[I love you]

Nabigla ako sa boses na narinig ko. Pati na rin ang sinabi ng boses na 'to

"B-blade?" Nauutal na sabi ko. Kinakabahan ako ng sobra

Nagend ang tawag

Sino ba yon?

Pamilyar ang boses at parang si Blade talaga.. At iniisip kong si Blade nga yon

Na sana sya nga at totoo ang sinabi nya. Masyado na akong napapraning. Bakit ganiti ang pinagiisip ko,

Hiningi nya ba yung number ko kay Rolei? Gusto nya ba akong kausapin? Pero ano yung ibigsabihin ng sinabi nya..

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon