Chapter fifteen

63 11 14
                                    

October 15

Birthday ko ngayon.

Masayang binati ako nila mama kanina sa bahay at kahit hindi ko sila sinabihan na maghanda, hinandaan pa rin nila ako

Ipinagdasal ko pa nga kagabi na sana maging ayos ang araw ko ngayon. At sa tingin ko naman magiging maayos nga ang araw ko.

Nakangiti akong pumasok sa room kasama sila Maggie

Halos kanina pa ako nakangiti. Siguro gusto ko kumuha ng positive vibes kaya ganun. Oo, ang boka ko haha.

"Nagtataka na ako ha, bakit ba parang ang saya mo ngayon?" Tanong ni Leya

Napatigil kami sa paglalakad at tumingin silang tatlo sakin

"Uhm, birthday ko ngayon" sabi ko ng nakangiti

Inisip ko rin kanina na dapat tanggalin ko ang mga bad vibes at negative thoughts sa isip ko. Gusto kong maging masayang araw ang kaarawan ko

"Ano?!" Sabay sabay na sabi ni Agnes at Maggie

"Bakit 'di mo nasabi? Wala tuloy kaming regalo," ani Maggie

"Kayo lang," proud na sabi ni Leya, mukang may idea sya na birthday ko ngayon "Duh, sa fb nakita kong birthday na ni Hype ngayon kaya bumili ako kahapon ng gift"

Nakapamewang si Agnes na humarap kay Leya

"Wow, hindi man lang kami sinabihan?" Sarcastic na pagkakasabi ni Agnes

"Malay ko ba," nakangusong sabi naman ni Leya

Ayokong magtampuhan sila ngayong birthday ko kaya para wala nang pagtatalong maganap hinila ko sila isa isa papalapit sa'kin tsaka ko niyakap

"Hindi naman mahalaga sa'kin ang regalo, ayos na ako sa presensya nyo. Lagi kayong nasa tabi ko 'pag kailangan ko ng tulong and nagpapasalamat ako 'dun" Sabi ko sa kanila habang yakap pa rin sila

Bumitaw na ako at binigyan sila ng kontentong ngiti.

"Aw. Happy birthday Hype!" masiglang bati ni Agnes

"Happy birthday, basta mamaya bibilhan ka namin regalo para may itago ka naman galing samin, diba Nes?" Sabi ni Maggie tsaka kinalabit si Agnes at tumango naman ito

"Uhm, ito gift ko Hype."

Nilabas ni Leya sa bag nya ang isang box na nakabalot ng birthday wrapper

Inabot nya sakin ito ng nakangiti

Ang blessed ko lang dahil nakilala ko sila. Ramdam ko ang pagiging espesyal ko sa kanila at ang sarap nun sa pakiramdam. Thankful talaga ako kasi naging kaibigan ko sila.. Kung nandito rin sana ngayon si Rolei, kumpleto sana.

"Salamat Leya," sabi ko sabay yakap sa kanya saglit "Mamaya ko na lang bubuksan" sabi ko ulit at tinanguan nya lang ako

Sinuri ko muna nag regalo, medyo maliit ito. Alam nyo yung box ng relo? Parang ganun lang kalaki.

Ang saya lang isipin na mayroon akong kaibigan tulad nila haaay

Itatago ko na nga muna Ito par--- ay anak ng tae nya!

Ano ba 'to nakakagulat yung umakbay sakin

"Wow, ba't may regalo ka Hype? Ikaw ha." Napatingin kami sa nagsalita, si Pia

Dahil medyo matangkad sakin ng unti si Pia, naaakbayan nya ako

"Hindi, bigay lang 'to ni Leya" pagtatama ko sa kanya, baka kasi may iba syang iniisip.

"Birthday kasi ni Hype" paglilinaw ni Maggie

"Oh.. Happy Birthday Hype!" Bati ni Pia sakin tsaka tinanggal ang pagkakaakbay sakin.

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon