Chapter three

61 9 8
                                    

Saturday,

Wala kaming pasok ngayon.

Wala rin akong magawa dito sa bahay, kaya nagfacebook na lang muna ako

Sinearch ko ang pangalan nya

'Blade Rafael Castro'

Inadd ko sya nung araw nung hinatid nya ako sa sakayan, kinonfirm nya naman.

Iniistalk ko sya. Di ko alam kung bakit lagi ko syang iniistalk.

May bago syang post

'Minamasdan kita ng 'di mo alam..'

Sino to? Ayoko magassume. Pero.. Ugh!

Meron pang isa,

'Mahal kita pero di mo lang alam'

Lyrics lang ba 'to ng kanta o totoo 'to para sa kanya?

Iniscroll down ko pa, nakita ko yung profile picture nya. Stolen shot nung naggigitara sya

Ang gwapo nya talaga

Maraming babae sa comment box. Pero 'di nya nirereplayan lahat.

Nilike ko 'yon at nagscroll down ulit.

TEKA

Potek nilike ko? Agad kong binalik at inunlike ko yon. Hindi naman ata sya nanotify diba? Online pala sya ngayon

Wah! Baka nanotify sya!

Adik ka talaga Hype!

"Ate sino 'yan?" Agad kong sinara ang laptop na hawak ko

"Happy! Bakit ka andito! Sabing doon ka lang sa sala!"

"Tawag ka kasi ni mama, pero sino yung kanina? Boyfriend mo 'yun no? Ang dami mong lalaki!"

"Anong maraming lalaki?! Lumabas ka nga"

"Susumbong kita kila mama!" Dinilaan nya ako tsaka tumakbo sya

Kapatid ko si Happy 8 years old, babae yun

buntis rin ang mama ko

Dahil tawag nga ako, pumunta ako sa sala

"Bakit ma?"

"May naghahanap sayo" seryoso ang pagkakasabi ni mama. Agad akong napatingin sa nakaupo sa upuan namin

O.O ayaw pa naman ni mama na may lalaking pumupunta para sakin, inaakala nya kasing boyfriend ko at mas malala 'to kasi may hawak syang rose!

Bakit nga ba sya nandito?!

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon