Chapter thirteen

59 10 7
                                    

"Alis na ako ma!"

"Magdala ka ng payong dahil malakas ang ulan,"

Agad akong kumuha ng isang sandwich na ang palaman ay peanut butter

Inayos ko na ang sarili ko tsaka kumuha ng payong dahil umuulan nga ngayon

Hays. Malungkot ang langit, tulad ko.

Nagabang ako ng masasakyan sa kanto at dahil nga siguro umuulan medyo hindi ganon karami ang pumapasada

Wala pa namang waiting shed dito kaya nagaalala ako na baka mabasa ng tuluyan ang bag at uniform ko

Lumakad pa ako ng unti at nagtingin tingin ng pwedeng masakyan dahil baka late na rin ako

Habang naglalakad ako sa gilid naramdaman kong sumabit ang palda ko sa may bakod na kahoy. Tinignan ko ito agad para matanggal ko agad pero may laslas palang tela sa palda ko kaya sumabit.

Aish! Ngayon pa sumabit, hawak ko pa naman ang payong kaya isang kamay lang ang gamit ko pangtanggal ng sabit pero aish ang hirap! Ano bang nangyari dito, Buset.

Pinagpatuloy ko lang ang pagaalis ng sabit ng palda ko nang-

"Mukang kailangan mo ng tulong ah?"

Napalingon ako sa nagsalita

"R-renz.."

"Natatakot ka ba sakin? Natatakot ka sa mas bata sayo?"

Kahit na mas bata ka, mas matangkad ka naman! At tsaka mukang kaya mo akong saktan eh, si Blade nga nasapak mo

"Bakit ka nandito?" Tanong ko

"Trip kong tumulong sa nangangailangan." Pumunta sya sa may tabi ko "Paki hawakan yung payong, ako na ang tatanggal"

Sinunod ko na lang ang sinabi nya. Mahaba naman ang palda namin at hindi tulad nung ibang uniform na maiikli ang palda

Pilipinas kaya to uy

Nakatingin lang ako sa pagtatanggal ni Renz ng sabit ng palda ko at nagawa nya nga akong tulungan. Natanggal nya kasi yung sabit ng tela

"Paayos mo na lang yang palda mo"

"Oo. Sige salamat"

Agad ko syang tinalikuran at naghanap ng masasakyan

Nagabang ulit ako at naghintay

Nagulat ako ng tumabi sakin si Renz

Ang alam ko eh may kotse sila Rolei, bakit kaya 'di sya sumabay? Hay ang tanga ko. Halata namang 'di sila ayos ng ate nya

"Hoy sorry."

Napatingin ako kay Renz na nakatingin ngayon sa pagpatak ng ulan

Lakas nya ah? Mukang pilit yung paghingi nya ng tawad. Kala ko pa naman bumabawi sya kanina.

"Pinilit ka ba ng ate mo na humingi ng tawad sakin?"

"Sa wakas. Akala ko tanga ka talaga eh. Yes, pinilit ako ng kaibigan mo at kung 'di lang dahil sa magsusumbong siya hindi ko sana 'to gagawin"

"Oh edi umalis ka na. Nakapagsorry ka na ng PILIT diba?"

"Yep, So tinatanggap mo ang sorry ko?"

"Nangiinis ka ba talaga KUYA Renz?" Sabi ko ng nakakunot ang noo. Pinagdiinan ko talaha ang salitang 'kuya' dahil nakakainis, wala syang galang.

"No. Pwera na lang kung kusa kang naiinis sa sinasabi ko, so ano? Totoo bang apology accepted na ba?"

"Oo na lang, para umalis ka na"

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon