Chapter five

62 9 10
                                    

Pagkatapos ko magpaalam kila Rolei agad kong sinundan si Blade. Hindi ako nagpahalata na sinusundan ko sya

Dumeretso sya sa may likod ng school at sumunod naman ako

Batuhan dun pero may mga puno at bundok ang view

Nakatayo syang tumingin sa langit

Bakit sya nandito?

Bakit rin ako sumunod?

'Di ko rin talaga alam kung bakit ko nga ba sya sinusundan.

Para akong timang!

Tumalikod ako at lakad takbo ang ginawa ko baka kasi lumingon sya

Nang bigla akong nadapa. Aray! Batuhan pa naman dito. Hindi ko kasi napansin yung malaking bato.

Umupo ako sa batuhan, nagdudugo yung sugat ko.

Kahit kailan talaga ang careless ko

Kahit makirot tumayo akong iika ika baka kasi mahuli ako ni Blade na sinusundan sya, at kung sakali nakakahiya. Baka sabihin nyang sta---

"Bakit ka nandito?"

Unti unti akong lumingon, nakahawak sya sa braso ko. Ang lakas ng beat ng heart ko. Kinakabahan kung paano ako magpapaliwanag.

Ang totoo naman eh sinusundan ko siya.

"Napadaan lang, kaso andyan ka pala kaya aalis na dapat ako"

Napatingin sya sa tuhod ko "May sugat ka."

"Ha? Wala ah. Wala yun"

"Nakita ko kaya"

"H-hindi naman masakit, maliit lang naman"

Tinignan nya yung tuhod ko "Maliit ba yan? Psh" inalalayan nya akong pinaupo sa batong upuan

"magingat ka naman" seryoso nyang sabi

'Di ko sya sinagot at tumitig lang sa kanya. Siguro ang swerte ng magiging girlfriend nya, napaka maaalahanin nya kasi

Lumuhod sya at tinignan ang sugat ko

Kinuha nya yung panyo nya sa bulsa at tinali nya yun sa tuhod ko

"Kung gusto mo, pumunta kang Clinic"

Tumayo na sya

"Hindi na. Kaya k-ko naman"

"Bahala ka" medyo tinaas nya ang kamay nya

Napatingin ako sa kamay nyang nagaabang at tumingin ako sa mukha nyang naiinip

Tutulungan nya ba akong tumayo? Ang gentleman nya naman. AISH! Nahihibang na talaga ako

Hahawakan ko na sana yung kamay nya nang bigla nyang binaba 'yon

"Ayaw pang magpatulong, tawagin ko sila Rolei, hintay ka muna dyan"

"Ha? Wag na, tatayo na lang ako"

"Wag na"

"'Di okay lang naman ako"

"Wag na nga kasi"

"Kaya ko naman kasi"

Hindi sya nagsalita at nabuo samin anf katahimikan

Medyo awkward

"Hays. Sige na nga, halika na" nauna syang maglakad at tumayo naman ako at iika ikang naglakad. Makirot kasi yung sugat ko, bumabakat na nga yung dugo sa panyo ni Blade eh

Lumingon sakin si Blade

"Kaya mo ba talaga?"

"H-huh? Oo naman"

"Tch" umupo sya sa harap ko "sakay ka na"

"A-ano?"

Humarap sya sakin "May sakit ka ba at lagi kang nauutal?"

"Wala a-akong sakit.."

Kinakabahan lang kasi ako kapag kasama kita kaya ako nauutal 'pag kausap kita.

"Wala kang sakit? Eh ba't ka nauutal? Teka... Crush mo 'ko 'no?"

"Hala. Kapal, hindi ah"

"Hmm. Okay, sabi mo eh, sakay ka na"

"Eh, wag na"

"Bilis na, sakay na kasi"

"Wag na.. Nakakahiya kaya"

"Hanggang dyan lang sa canteen"

"'Di na kailangan."

"Bubuhatin kita o sasakay ka?"

Napalunok ako. Ang pogi nya kapag seryoso sya

"Wala." Ika ika akong inunahan sya sa paglalakad, tumayo sya at lumapit sakin, bubuhatin nya na sana ako

"Oo na! Sasakay na nga eh,"

Nakita kong ngumiti sya pero nawala rin kaagad

"Oh bilis" sabi nya pagkaupo nya sa harap ko

Sumakay naman ako sa likod nya, sa totoo lang, ang bango nya

"Nandidiri ka ba sakin? Kumapit ka kaya, mahulog ka eh" sabi nya

Mahulog? Nahuhulog na nga ba ako?

Humawak ako sa balikat nya

"Hays, bahala ka nga dyan, mahulog ka"

Matangkad kasi sya kaya mahirap pag nahulog ako, hanggang leeg nya nga lang ako eh

Nung nararamdaman kong mahuhulog na ako, agad akong napahigpit ng kapit sa leeg nya at tinaas nya naman ako

At nang makarating na kami sa canteen

Binaba nya na ako

"Andyan sila Rolei, magpaalalay ka na lang" sabi nya at tatalikod na sana

"Blade." Tawag ko

Humarap ulit sya sakin, naghihintay ng tanong kung bakit ko sya tinawag

Nakakahiya magtanong pero gusto ko lang talaga malaman ang dahilan kung bakit nya sinabi yun.. Kahit ba si Rolei o ako ang dapat nyang sasabihan.

"Bakit mo sinabi sakin yung-"

"Kalimutan mo na 'yon, namali lang ako ng number" seryoso nyang sabi

"Sasabihin mo ba dapat 'yon kay Rolei?"

"Wala ka nang paki 'dun" sabi nya sabay talikod nang nakalagay ang kamay sa bulsa

Aray.

Yun nga rin ang gusto ko eh.

Ang mawalan ng paki sayo. Kasi ewan ko kung bakit interesadong interesado ako sa'yo kahit na parang 'di mo naman ako gusto.

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon