Chapter eight

53 8 18
                                    

Isang araw na naman ng pagasa.

Tahimik at bored akong nakatunganga sa nagdidiscuss naming teacher.  History class ngayon at imbis na makinig ako, sya ang iniisip ko. Palagi na lang sya. Ganito ba talaga pag may nagustuhan ka? I'm always thinking about him at para na akong baliw. Iniisip nya rin kaya ako?

Nawala ang pagmumuni muni ko nang may kumalabit sakin, kaya lumingon ako

Nakakagulat naman ng bubungad sakin. Yan na naman tuloy yung puso ko, ang lakas ng tibok parang ewan.

"B-bakit?"

"Pwede manghiram ng ballpen?" Sabi ni Blade

"U-uh oo naman. Sandali" kinuha ko yung lapis ko sa bag at binigay ang hawak kong ballpen

Iisa lang lang kasi ang dinadala kong ballpen lagi kasi madalas kong nawawala

"Ito oh," sabay abot ko sa kanya kinuha nya naman

"Teka, maglalapis ka?"

"Ah oo. Bigla kong g-gusto maglapis. Trip ko lang naman.."

"Ay 'wag na. Ako na lang sa lapis. Nakakahiya naman sa'yo."

"'Di gusto ko kasi talaga maglapis" wala na kasi akong ballpen para ipahiram sayo.

"Oh? Ako na lang nga yung sa lapis"

"Sayo na yan, ayos lang sakin 'to eh"

Sasagot pa sana sya ng

"Quiet! You two are disturbing my class. Hindi kayo nakikinig! Go out!"

Sigaw samin nung teacher namin

"You two, stand up" napatayo kami ni Blade

Nakakahiya nga kasi nakatingin mga classmates namin samin

Napatingin ako sa kanang bahagi. Napansin kong grabe makatingin si Francis

"I said go out!"

First time in my whole life na palabasin ako ng teacher ko. 'Di kasi ako maingay at makulit

Pero ngayon sobra kaba ko. Huhu

"'Di nyo ba naiintindihan? Labas sabi!"

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko

Nakakatakot kasi

Nang biglang hawakan ni Blade ang kamay ko at hinila ako papuntang labas

'Yan na naman! 'Yan na naman yung kabang nararamdaman ko pag malapit sya sakin. Lalo pa't ngayon hawak nya ang kamay ko. Parang gusto ko pahintuin ang oras at maging ayos sa ganitong posisyon na hawak ng malambot nyang kamay ang kamay ko

Binitawan nya ang pagkakahawak sa kamay ko nang asa labas na kami

"Kahit kailan talaga high blood sakin 'yun" Tinutukoy nya yung teacher namin

Yung history class teacher kasi namin yung pinaka istriktong teacher namin. Nakakatakot sya kaya pag oras na ng klase nya tahimik ang lahat.

"Hayaan mo na. Ang ingay rin kasi natin"

"Sabagay, halika, tambay na lang muna tayo"

Pumunta kami sa may likod. Kung saan kami tumatambay

Umupo kami sa bench 'dun

"Dapat kasi pinagamit mo na sakin yung lapis" sabi nya habang nakangiti

"Eh gusto ko kasi gamitin yung lapis ko"

"Talaga ba?"

"Oo naman"

"'Di ako naniniwala"

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon