Chapter two

80 10 27
                                    


"Cute ka rin naman, ba't ayaw mo?"

Nagulat ako sa sinabi ni Blade as in nanlaki ang mga mata ko, at ayun tumingin ako sa kanya at nakita ko na naman ang magaganda nyang mata, at potek potek!! Nakangiti sya! Bakit sya nakangiti? Bakit ang gwapo nya!?

Para akong naistatwa. Anong sabi nya?! Nakakainis, bakit ako naapektuhan ng ganito sa kanya?

Napansin kong nabuo ang katahimikan
"Nagprapractice lang ako, diba ganun ka bolero ang role ko?" Ani Blade

"Ahh" sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko. Nakahinga rin ako ng maluwag.. Pero medyo ouch ng 1%

Kala ko kasi seryoso yung pagkakasabi nya na ang cute ko, yun pala hindi

"So ano, sino na?" Tanong ni Lee

"Si Rolei na lang" suggest ko naman

"Okay, bagay rin naman kay Rolei yung role, sige. Sya na lang yung girlfriend"

"Ay! May naisip ako" napatingin kami kay Keysie

"Si Hype na lang yung babae sa dulo yung makakaholding hands nito" sabay turo nya kay Blade

"Good opinion. Tama, sya na lang yun" pagsang ayon ni Livan

Hindi na ako umangal. Maikli lang naman scene ko 'dun. Hahawakan lang kamay ko then tapos na. Hindi na rin ako tumanggi baka sabihin nila choosy at maarte ako

"'Yun! Game na, gawin na natin yung scene para maedit na 'to at mapasa kay ma'am" sabi ni Livan

Sinabihan na kaming tatlo ni Livan kung anong sasabihin at gagawin, naghanda na ng camera si Wixy at ang taga guide muna namin ay si Mike

Nagsimula na silang umacting.

Yung scene na yon ang sweet ni Blade at ni Rolei.. Napansin ko ring, bagay sila..

Natapos nila yung scene na yon, medyo mahaba yung sa kanila

Ang ganda ni Rolei, ang pogi ni Blade. Tama talaga na sila ang pinagpartner dito..

Kesa namin sakin diba? Ang pangit ko pa umacting.

Teka, bakit ko ba dinodown ang sarili ko?

Pero totoo naman kasi

"Huy Hype!"

Agad akong napatingin sa tumawag sakin, si Keysie

Tinignan ko yung mga kagrupo ko. Halos lahat sila nakatingin sakin

"May tumatawag sa phone mo oh" sabi ni Wixy

Agad kong kinuha yung cellphone ko

"Sorry" sabi ko sa kanila

Agad kong sinagot ang phone ko at pumunta sa labas. 'Di naman kalayuan, para lang 'di ako istorbo

"Hello?"

[Hype!]

"Bianca? Musta na?"

[Okay naman kami, ikaw?]

"Ayos lang din ako dito, andyan si Al?"

[Gusto mo kausapin? Sige wait-]

[Oh ano problema mo bakla ka, 'di mo nirereplayan messages ko!]

"Wala ako load baby ko, miss mo na ako 'no?"

[Ew mandiri ka nga! Pero tama ka naman, miss ka na namin. Pag nakadalaw talaga kami dyan, sasabunutan kita ng bonggang bonga]

"Nye, ipon muna kayo. Gusto ko na rin kayo makita eh, miss na rin kasi kita baby Alejandro ko" natatawa kong sabi. Bakla kasi si Al, at isa sya sa best friends ko

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon