Chapter ten

60 10 14
                                    

"Mukhang ang ganda ng umaga mo Hype ah?" Sabi ni Agnes

Totoo naman eh. Dahil rin naman siguro sa love kaya nagiging masigla at masaya ang isang tao

"Masaya lang."

"Syempre yung crush nya--"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Rolei

"Shh!"

"Ay ano yan ha" sabi naman ni Maggie

"Wala 'yun. Lika order na tayo"

"Kayo na lang maghintay sa table, kami na oorder ni Agnes" volunteer ni Leya

Binigay na namin ang order at pera namin sa kanila at naghanap kami ng table. At may nakita naman kami agad

Magkatabi kami sa upuan ni Rolei

Habang naghihintay naisipan kong itext sila Bakla Al. Nangamusta lang.

Nang maramdaman kong may nangangalabit sakin

Elementary pala

"Uy ate"

Lalaking bata

"Hello, bakit?"

"Pinabibigay po, hihi" nilapag nya sa table yung isang malaking box ng chocolate na Ferrero Rocher

"Hala thank you"

Nginitian nya ako "Ayon po nagpabigay" turo nya sa grupo nila Blade

"Uy sino yan Hype ha" asar ni Maggie

"E-ewan."

Merong note na nakalagay.

'You're like a chocolate, you're so sweet :)'

Wat

Bigay ba 'to ni Blade?

Napatingin ako kay Blade

At nagulat ako ng kinindatan nya ako sabay ngiti

Wahh!!

"Patingin! Kainin na natin" inagaw ni Rolei sakin yung chocolate

"Hala wag."

"Bakit? Gusto mo sayo lang porket bigay ni Blade?" Sabi nya na para bang naiinis

'Di ko na sya sinagot at pinanood syang buksan ang chocolate na binigay sakin

Huhu

"Gusto mo Maggie?" Tanong ni Rolei kay Maggie

"Kay Hype yan eh.." Sabi ni Maggie

Binitawan naman ni Rolei ang chocolate at binigay sakin

"Sorry. Bigla ko lang gusto kumain ng chocolate."

Pinulot ko sa baba yung nasirang note sa chocolate

Tinignan ko yung chocolate

Halos nakain nya ang kalahati.

Rumating naman na sila Agnes

"Uy chocolate? Sino nagbigay?" Tanong ni Leya

"Bigay ni Blade kay Hype" sagot ni Maggie

Nakayuko lang ako habang hawak yung note

"Pero alam mo Hype, 'wag ka umasa masyado ha? Masasaktan ka lang. Alam kong iba ang gusto ni Blade, baka trip nya lang 'yang pagbibigay sayo ng chocolate gaya nung nakaraan. Dare lang yung pagbibigay nya ng chocolate. Kaya don't expect too much, kasi baka in the end ikaw lang ang masaktan pag nalaman mong hindi ka naman nya gusto."

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon