Chapter seven

64 10 9
                                    

Gumagawa ako ng assignment sa school. Nakalimutan ko kasi gawin sa bahay, kakaisip dun sa ginawa ni Blade

Ano ba ibigsabihin ng ginawa nya?

Nalilito na ako ng sobra

"Leya sa tingin mo.. Bakit nya yun ginawa?" Tanong ko kay Leya na gumagawa rin ng assignment namin

"Hmm. Nako wag mo na yun intindihin, paasa ang mga lalaki no!"

"Grabe nilalahat, pa'no naman ako."

Para talagang kabuti tong si Francis, bigla na lang lumalabas eh

"Psh"

"Pero sino yung sinasabi nyong paasa?"

"Mga lalaki nga! Kulit neto" bulyaw sa kanya ni Leya

"Ibig kong sabihin eh yung mismong tinutukoy nyo! Pangit mo talaga kausap"

"'Dun ka na nga, pangit pala ako kausap!"

"Ikaw na umalis kakausapin ko si Hype"

"Tumigil nga kayong dalawa, 'di ako makaconcentrate sa ginagawa ko eh" sabi ko

"Ang gulo kasi nitong si Francis" ani Leya

"Ikaw 'yon!"

"Anong ako, ikaw yang ang daldal kalalaking tao!"

"Ikaw nga yung madaldal eh, nakakairita"

"Oh talaga?"

"Talagang talaga"

"Oh edi leche ka"

Dahil naririndi na ako sa bangayan nila iniwan ko na lang sila doon, mamaya ko na 'to gagawin, may oras pa naman mamaya

Nilagay ko sa bag ko ang gamit ko at pumunta ako sa likod ng school kung saan ang batuhan na pinuntahan ni Blade

Para kasing tamang tama ang lugar na 'yon para magisip isip at maclear ang bad vibes at negative thoughts sa isipan mo. Ang tahimik at ang ganda kasi 'dun para tambayan, buti na lang at nahanap ko 'to dahil kay Blade.

Pero tama ba si Leya na pinapaasa lang ako ni Blade?

Nalilito kasi ako kung ano ba ang dapat kong isipin sa mag kilos na napapakita nya.

"Ano ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa nagsalita

Si Blade. Papunta sya sakin habang nakalagay ang kamay nya sa bulsa ng pants nya

Nakabukas ang butones ng polo nya at gulo gulo ang buhok, lagi naman magulo ang buhok nya. Pero bagay naman sa kanya, pogi kasi talaga sya

"Grabe naman, nakakailang titig mo ha"

Hindi ko sya sinagot at umiwas ng tingin at yumuko

"'Di mo sinagot tanong ko"

Napatingin ako sa kanya. Nakatayo sya sa tabi ng bench na inuupuan ko

"Sorry. Gusto ko lang kasi magrelax saglit."

"Oo nga. Ewan ko kung bakit yung ibang istudyante naboboringan dito. Eh ito nga paborito kong lugar dito sa school"

Tumango tango na lang ako

Pag sya talaga kasama ko, wala akong masabi. Para akong napipipi

Pero para saan ba talaga yung chocolate? Nagbibigay na ba sya ng motibo?

Bopis. Ugh! Nagaassume na naman ako

"Ayos ka lang ba Hype?"

"Uh. Oo naman. May naisip lang"

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon