Chapter fourteen

73 8 6
                                    

"Sabihin na nating dahil sa ulan nakilala ko sya.. Dahil rin sa ulan nalaman ko ang pangalan nya. At dahil sa Ulan natagpuan ko ulit sya. Dahil sa ulan nakita ko ang kasiyahan ko."

"Wow. Kaya ganun mo kamahal ang ulan?"

"Yes, I like the rain so much, just like her name." Sabi nya habang nakatingin sa ibang dereksyon

"Ano bang pangalan nya?"

"Rain."

"Rain? Rain ang pangalan nya?" Tanong ko

Tumango sya tsaka tumingin sakin

"Asan na sya ngayon?"

"Kaibigan mo sya, bakit 'di mo sya kilala?"

"Huh?"

Tanging ngiti ang binigay nyang sagot

Napaiwas ako ng tingin at nagisip.

kaibigan ko? May Rain ba sa kaibigan ko? Oh buang lang 'tong kausap ko?

Napaisip ako sa mga pangalan ng kaibigan ko dito sa school.

Maggie Baltazar

Agnes Mendiola

Rolley Ann Santiago

Syempre imposible naman si Rolei, duh kapatid nya yun..

Pero sino bang Rain.

Wait.

Ang alam ko may sinabing second name si Agnes eh..

Aha!

Tama!

Agnes Rain Mendiola!

"Si Agnes ba?" Tanong ko kay Renz habang nakakunot ang aking noo

Napatingin sakin si Renz na nakangiti "Just hearing her name makes me smile. Matagal ko nang alam sa sarili kong gusto ko sya. Lagi akong nanonood pag may laro sya, nagustuhan ko rin yung pagiging matakaw nya tsaka she's just being herself. Pinapakita nya sa iba kung ano ba talaga ang pagkatao nya."

Habang pinapanood ko si Renz na magkwento tungkol sa pagkagusto nya kay Agnes, napapansin kong parang nagiiba ang aura nya. Ang matapang nyang itsura naging maamo. At mukha nga syang inlove talaga kay Agnes

"Gusto mo nga talaga sya."

"Oo naman. Ginamit ko pa nga ang kaibigan ko para mapalapit sa kanya"

"Si Dereck?" Taka kong tanong.

"Oo. Sinabi kong magpanggap syang may gusto sayo para pag naging kayo may rason na ako para pumunta sa grupo nyo at makausap si Rain."

Para talaga syang desperadong makausap si Agnes kaya pati kaibigan ginamit. Nasama pa ako sa plano nila Hays. Pero siguro nga, kaya nya lang naman yun naisip na gawin eh dahil gusto nya na talaga makilala si Agnes.. Ulit.

"Hm.. Kaya naman pala. Don't worry, 'di mo na kailangan pang gamitin si Dereck, tutulungan kita kay Agnes"

"Seryoso?!"

Nakakatawa ang reaksyon nya. Para bang nakakita sya ng multo at hindi makapaniwala

Tumango tango ako habang nakangiti

"Thank you Hype!" Nabuo ang mga totoong ngiti sa labi nya

"Yan. Mukha ka nang 'di napipilitan." Sabi ko nang natatawa tawa

Tanging ngiti ang binalik nya sakin

"Mas ayos ang ganyang personality mo Renz. Dapat tigilan mo na yung pagiging siga mo masyado,"

Hopelessly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon