KULANG na lang ay madapa si Althea habang nagmamadali siya sa pagbaba ng hagdan. She heard the sound of Gabriel's car outside. Sinalubong niya ito sa pintuan. He automatically handed her his coat and his attaché case. Kapagkuwan ay nilagpasan siya nito.
Nagkukumahog na sumunod siya rito.
"I want my coffee in five minutes, and I'm not having dinner. Sawang-sawa na akong magtiyagang kumain ng mga luto mo." Dere-deretso ito sa pag-akyat sa hagdan.
Inabot ng isang kasambahay ang mga gamit ng asawa niya. Isang nagpapasalamat na ngiti naman ang isinukli niya rito.
Mabilis na nagtimpla siya ng kape at dinala iyon sa library.
Mula nang ikasal sila ay mabibilang sa mga daliri ang pagkakataon na natulog ito sa silid nila. Ang library ang tanging lugar kung saan ito madalas namamalagi kapag nasa bahay ito. Naroon ang mahahalagang gamit nito. Ang master's bedroom ay hindi talaga matatawag na master's bedroom. Why? she was the only one who slept there.
She knocked on the door when she reached the library. Hindi ito sumagot kaya lakas-loob na binuksan niya ang pinto. Nakita niyang nakasubsob si Gabriel sa mesa; natutulog marahil ito.
Dahan-dahan siyang pumasok at inilapag sa coffee table ang dala niyang kape. Kapagkuwan ay nilapitan niya nito. He must be so exhausted. Napakaamo ng mukha nito habang natutulog. The exact opposite of what he looked like when he was awake. Gustong-gusto niyang haplusin ang mukha nito ngunit pinigil niya ang kanyang sarili.
Dumako ang tingin niya sa picture frame sa ibabaw ng table nito. Sadness filled her heart when she recognized the people in the picture.
Si Gabriel iyon kasama si Genevieve, ang dating girlfriend nito. Of course, Genevieve was still the one for him. Salimpusa lang talaga siya.
Kapwa nakangiti ang mga ito sa larawan. Buhay na buhay ang ngiti ni Gabriel. That was Gabriel three years ago—full of life, full of love.
She became teary-eyed. Dinampot niya ang larawan at pinagmasdang maigi iyon. Gusto niyang palaging nasa isip niya ang ngiti nito. There was nothing in this world that she desired more than to see him smile. His happiness was her only prayer. He was everything to her.
"What do you think you're doing?"
Sa gulat niya ay nabitawan niya ang hawak na frame dahilan upang mabasag iyon. Sa labis na takot ay nagmamadaling dinampot niya ang mga bubog, sanhi upang masugatan siya.
Gabriel pushed her away. "Don't touch it! How dare you do this! You're sick, Althea! You're very sick!"
Hindi niya alam kung manhid lang ba talaga siya, but she didn't feel any pain in her hand. Mas naramdaman niya ang kirot sa kanyang dibdib.
Muli siyang lumapit upang tulungan ito. "Gabriel—"
"Get out here!" Tinabig siya nito, with more force this time.
Pagtayo niya ay hindi niya napansin ang mesa. Nauntog siya roon.
Gabriel looked at her again with fire and contempt in his eyes. "I said get out! 'Wag mo akong piliting kaladkarin ka palabas dito, Althea!"
She almost crawled her way out of the library. She felt drowsy. Makirot din ang ulo niyang nauntog sa mesa.
Sinalubong siya ni Yaya Andeng sa puno ng hagdan. "'Susmaryosep! Althea, ano'ng nangyari sa ulo mo?"
Sinapo niya ang bahagi ng ulo niya na kumikirot. She saw blood in her hands then everything went black.
WHEN Althea opened her eyes, she saw Yaya Andeng's worried face. Bahagya pa siyang nahihilo; nonetheless, she felt all right. The memories of what happened last night flooded her mind—the picture, Gabriel's anger, the blood in her hands.
Kinapa niya ang kanyang ulo. May bondage iyon.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, hija?" tanong ni Yaya Andeng. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito.
Ngumiti siya rito bilang reassurance. "Maayos na po ako, Yaya." Her throat constricted with sudden sadness.
"Sigurado ka ba? Maliit lang naman ang sugat mo pero hindi natin dapat bale-walain."
She smiled at her again. Bumangon siya at tiningnan sa salamin ang parte ng ulo niyang may bandage. Maliit lang talaga iyon at bahagya na lang makirot ngunit kaya naman niyang indahin.
"'Wag na po kayong mag-alala. Mabuti na po talaga ang pakiramdam ko." Nilapitan niya ito at inakbayan. "Si Gabriel po?"
"Umalis na kanina pa. Siya ang tumawag ng doktor kagabi na siyang gumamot sa 'yo. Ano ba talaga'ng nangyari?"
"Aksidente po, Yaya." Natuwa siya sa nalaman. Kahit paano pala ay hindi siya pinabayaan ni Gabriel. The thought brought her new strength.
Nagdududang tinitigan siya nito. "Talaga bang aksidente? Hindi kaya kagagawan iyan ni Gabriel?"
Umiling siya. "Hindi po, Yaya. Aksidente po talaga ang nangyari. Hindi po si Gabriel ang may kasalanan. Aksidente lang po talaga."
Halatang hindi pa rin ito kumbinsido ngunit tumango na lamang. "Bababa ka ba o gusto mong dalhan na lang kita ng pagkain dito?" tanong nito kapagkuwan.
"Huwag na po, Yaya. Bababa na lang po ako," aniya.
Pagkalabas ni Yaya Andeng ay muli siyang bumalik sa harap ng salamin. Dahan-dahan niyang inalis ang bandage. Maliit lamang ang sugat gaya ng sabi ni Yaya Andeng. She touched the wound. Sa tantiya niya ay ilang araw lamang at gagaling na iyon.
The wound was too small compared to the wound in her heart.
Iyon ang unang beses na nagkasugat siya sa loob ng mahigit tatlong taong pagsasama nila ni Gabriel. Marami na siyang naranasang sakit sa loob ng tatlong taong iyon—emotional, mental, verbal. Name it.
She must be crazy because despite everything, she was still holding on to this marriage. Obviously, he didn't love her and everything was not likely to change. But it was all right. Mahal naman niya ito. Her love was enough for both of them. Enough for her to live happily with him forever.
Eight years ago she wished to love him. Now she had all the right and all the chances to love him. She didn't know why she loved him more than herself.
Blame it on her heart.
BINABASA MO ANG
MORE THAN I FEEL INSIDE
Romance"Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni Althea na umiibig na siya kay Gabriel. At wala na siyang ibang pinangarap kundi ang maging kanya ito...