XI

8.7K 193 12
                                    


ALTHEA slowly opened her eyes. Pumapasok ang sikat ng araw sa pinto ng veranda. Tiningnan niya ang alarm clock sa bedside table. It was already six in the morning.

Bumaling siya sa kaliwa niya at nakitang natutulog pa si Gabriel.

Mahigit apat na buwan na ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Mula nang mabuntis siya, nagkaroon na ng bahagyang pagbabago sa pagsasama nilang mag-asawa. Medyo nag-mellow si Gabriel. He treated her way better than before. Hindi na siya nito sinisinghalan o pinagsasalitaan nang masasakit. Hindi na rin siya nito inuutusan ng kung ano-ano. Pero iyon ay dahil bibihira na lang siyang kausapin nito.

Minsan ay naiisip niyang mas mabuti pa ang dati. Kahit palagi itong galit ay kinakausap naman siya nito. Gayunman, labis na natutuwa siya dahil hindi na niya nakikita ang pagkamuhi sa mga mata nito. Yes, there was still no emotion but at least the hate was gone. At para sa kanya, magandang senyales na iyon.

Bumangon na siya at nagsimulang ihanda ang mga gagamitin ng asawa niya sa pagpasok nito sa opisina. Gabriel worked as the head engineer of the construction firm that was owned by his father. Pagkatapos ihanda ang mga isusuot nito, bumaba na siya upang asikasuhin ang agahan nito.

PAGDILAT ni Gabriel ay agad na lumipat ang tingin niya sa kanan niya. Wala na si Althea sa tabi niya. Mabilis na bumangon siya at natigilan nang makita niyang nakasabit na ang damit na isusuot niya, plantsadong-plantsado. Maging ang sapatos, medyas, at underwear niya ay nakahanda na rin. Walang dudang pagpasok niya sa banyo ay handa na rin ang tub.

Umupo siya sa kama. Ganoon na si Althea noon pa man. Hindi lang niya pansin dahil abala siya sa pag-iisip kung paano sasaktan ang damdamin nito, kung paano ito pahihirapan, at kung paano ito gagantihan sa kasalanan na hindi naman pala nito ginawa. While he was busy making her life a living hell, she was busy taking care of him, pampering him, and attending to him.

He suddenly had a lump in his throat.

Pumasok na siya sa loob ng banyo at naligo. Pagkabihis ay agad na bumaba siya. Natigilan siya sa pintuan ng kusina nang may marinig siyang nagtatawanan, kabilang sa mga iyon ay si Althea. Her laughter was like music to his ears. Saglit na nakinig siya sa pinag-uusapan ng mga ito. Kausap ni Althea ang mga kasambahay nila.

"Ala, talaga namang kasarap nire, Ma'am. Kasuwerte talaga ni Sir, eh!" ani Mang Ludring, ang kanilang hardinero.

Tumawa uli si Althea. "Mang Ludring, kahit naman po hindi n'yo sabihin 'yan, pakakainin ko pa rin kayo ng luto ko."

"Ay, oo nga naman, Mang Ludring. Kayo talaga, basta pagkain," pakli ng isa sa mga kasambahay.

"Ala'y totoo la-ang ang sinasabi ko. Masarap talaga."

"Sige na, sige na, Manong Ludring. Naniniwala na ako," natatawang sabi ni Althea.

Nagtawanan ang lahat sa kusina. Nang sumilip siya, he saw happiness in his wife's lovely face. Hindi makikitaan ng ano mang pagkailang o arte roon. She seemed so used being with them.

Hindi niya magawang alisin ang tingin sa magandang mukha nito. Nagulantang siya nang may magsalita sa likuran niya.

"Maganda siya, hindi ba?" Si Yaya Andeng iyon.

Dahan-dahan siyang umatras at sumandal sa dingding.

"Mahal siya ng lahat dito sa bahay. At iyon ay dahil mahal din niya kaming lahat. Napakabait na bata ng napangasawa mo, hijo. Napakalaki ng puso niya, kahit sino ay maaaring pumasok." Bumuntong-hininga ito. "Para siyang anghel na dumating dito sa bahay. Hindi ko naiintindihan kung bakit noo'y iba ang trato mo sa kanya. Ngunit maligayang-maligaya ako na sa wakas ay pinahahalagahan mo na siya ngayon." He saw tears in the old woman's eyes. He, too, wanted to cry.

Muli siyang sumilip sa kusina. Althea was still smiling. Ngiting kayang pumawi sa anumang sakit at lungkot. Ngiting hindi niya kailanman nakita sa mga labi nito tuwing siya ang kaharap nito.

Why hadn't he seen how lucky he was?

MORE THAN I FEEL INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon